^

PSN Showbiz

Anne, nakikiusap na rin pabakunahan ang mga bata!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anne, nakikiusap na rin pabakunahan ang mga bata!
Anne

#TigdasOutbreak

Naging emosyonal si Anne Curtis nang mahirang bilang National Goodwill Ambassador ng United Nations International Children’s Emergency Fund o UNICEF.

Ayon sa aktres ay matagal na niya itong pinapangarap dahil may layunin itong makatulong sa kapwa lalo na sa mga kabataan. “I’ve always just had a heart to want to help for those who don’t have a voice or maybe too young to use their own. I knew I wanted to make difference in children’s lives and that was what led me to UNICEF,” paglalahad ni Anne.

Nagsimula ang dalaga bilang major donor sa UNICEF sampung taon na ang nakalilipas. Masayang-masaya si Anne dahil alam niyang mas maraming mga bata pa ang kanyang matutulungan ngayon bilang bagong Ambassador.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa paglaganap ng tigdas sa iba’t ibang lugar sa bansa. Kaya naman hinihikayat ni Anne ang mga magulang na pabakunahan ang mga batang anak. “It should be a priority because I understand that a lot of children are getting affected by measles outbreak,” giit niya.

Samantala, bukod sa UNICEF ay nakatutulong din si Anne sa mga kabataang Pinoy sa pamamagitan ng Dream Machine na kanyang sariling foundation. Layunin ng nasabing platform na tuparin ang pangarap ng mga bata hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa kapwa at sa komunidad.

Sperm donor nina Ice at Liza, Kamukha ni Liam Hemsworth

Matagal nang pinapangarap nina Ice Seguerra at Liza Diño na magkaroon ng sariling anak para makumpleto ang relasyon bilang mag-asawa. Sa ngayon ay nasa pro­seso na ang dalawa sa pagbuo ng baby sa pamamagitan ng in vitro fertilization. “There are three phases that Ice and I need to go through right now. First phase is ma-harvest ‘yung egg niya dahil his DNA, egg cell niya ‘yung gagamitin. The next phase is we found a sperm donor and the sperm donor, ita-transmit ‘yung vial na ‘yon para ma-fertilize ‘yung egg sa Malaysia. Ang implantation, we’re deciding if I’m going to Malaysia or dito po dadalhin. Kasi may ethical reasons po dito sa Pilipinas kasi nakakalungkot po na sarili nating bansa,” pagdedetalye ni Liza.

Para sa Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay maihahalintulad niya sa isang dating site ang paghahanap ng isang sperm donor. Isang foreigner daw ang napili nina Ice at Liza upang maging donor para sa kanila. “May profile, parang dating site. Si donor 1575, blue eyes, kamukha daw ni Liam Hemsworth at saka six footer, para makuha ‘yun kasi si Ice hindi naman katangkaran, gusto namin matangkad. But yeah! Caucasian, Czech Russian ‘yung background,” natatawang pahayag ni Liza.    (Reports from JCC)

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with