^

PSN Showbiz

Mag-asawang kilalang-kilala sa lipunan, madugo ang ginagawang 'pagbuo' ng anak!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakatutok ang atensiyon ng marami sa isang magkarelasyong nangangarap magkaroon ng anak. May pinagdadaanang sensitibong proseso ngayon ang pamosong female personality at ang kanyang girlfriend.

Kung gaano kaingay ang issue tungkol sa kanila ay ‘yun naman ang ikinatahimik ng pinagdadaanang karanasan ng isang kilalang-kilalang female personality at ng kanyang mister na kilalang-kilala sa ating lipunan.

Matagal na rin nilang gustong magkaanak pero hindi na nakahabol ang babae sa natural na paraan, may edad na siya, ganu’n din ang kanyang mister.

Isang source ang nagkuwento sa amin, “Wala kayong kaalam-alam, pero malapit nang manganak ‘yung foreigner na napili nilang mag-carry ng baby para sa kanila.

“Nag-try na sila nu’ng una, pero nabugok daw ang itlog, kaya nag-try na naman sila and this time, matagumpay ang prosesong ginawa nila!” unang kuwento ng aming impormante.

Matagal nang kasal ang mag-asawang ito, matindi ang kanilang pangarap na magkaroon ng sarili nilang supling, pero paano?

“May nakausap silang kaibigan na ilang ulit nang ganu’n ang pi­nagdaanang proseso para lang siya magkaroon ng mga anak. Successful siya!

“Ganu’n din ang pinagdadaanan ng mag-asawa ngayon, waiting na lang sila sa sorpresang araw na kailangan na nilang umalis para salubungin ang baby nila.

“Nakahabol pa rin sila, pero madugo nga lang ang process, dahil malaki ang binayaran nila sa magdadala ng baby nang siyam na buwan. Nakaospital siya habang hindi pa nabubuo ang itlog.

“Nu’ng safe na, may board and lodging naman silang binayaran para du’n sa babae. Pero anak nila talaga ‘yun, sa lalaki ang binhi, ipanganganak lang ng babaeng ‘yun na yata talaga ang hanapbuhay.

“Masayang-masaya siyempre ang mag-asawa dahil may matatawag na silang anak. Hindi man ang kilalang female personality ang nagbuntis, sperm cell naman ng husband niya ang dahilan ng pagkabuo ng magiginig baby nila.

“Ang saya-saya! Matagumpay ang lahat, matutupad na ang matagal nilang pangarap na magkaroon ng anak! Ang baby kayang ito ang maghahatid ng suwerte sa kanyang ama na kilalang-kilala sa lipunan?

“Harinawa!” pagtatapos ng aming source na sabik na ring makita ang baby na produkto ng pag-unlad ng siyensiya.

Ubos!

Yam pini-personal na ng mga nanonood!

Pinepersonal talaga ng manonood ang mga personalidad na gumaganap bilang kontrabida sa mga serye. Busog na busog sa pang-uupak ang mga netizens si Yam Concepcion bilang misis ni Jericho Rosales na nangaliwa sa daloy ng istorya.

Nu’ng nagpapakumbaba na ang karakter ni Yam bilang si Jade ay nabawasan ang pagpuntirya sa kanya sa social media. Ang mga Pinoy pa naman, kapag nagsisisi na ang gumawa ng kasalanan ay lumalambot ang ating puso, nakikisimpatya tayo sa nagso-sorry na.

Pero biglang nagkaroon ng mga eksenang iyak nang iyak si Yam, takot na takot siyang mawala ang kanilang anak ni Lino (Jericho), gusto niyang palaging nakabantay ito sa kanya.

Aliw na aliw kami sa komento ng isang kaibigan namin sa kolehiyo pa na may napakataas nang posisyon ngayon sa hanay ng hustisya.

Ang kanyang sabi, “Inis na inis ako kay Yam kapag iyak siya nang iyak! Ang tigas-tigas ng ulo niya! Mas naiinis pa nga ako sa role niya ngayon kesa nu’ng kaliwain niya si Lino, e!

“Umaarte siya, puro arte lang ang drama niyang takot na takot siyang mawala ang anak nila ni Lino, dahil ang totoo, e, gusto lang niyang makuha uli ang pagmamahal ng lalaking inekokan niya sa ulo!

“Ang kapal! Nakakabuwisit siya! E, hindi na naman siya ang mahal ng asawa niya, kundi si Yen Santos, ang unang naging karelasyon ni Lino!” buong-ningning na komento ng aming kaibigang madalas magsabi ng mga terminong “Sustained!” at “Proceed with your question!”

Wala nang pinipiling estado ng buhay ang mga teleserye. Sa tindahan ni Aling Nena ay ang mga eksena sa pinanonood nila ang pinagkukuwentuhan, sa mga umpukan sa coffee shop ay bumibida rin ang mga serye, panalo ang ABS-CBN sa kanilang mga palabas.

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with