^

PSN Showbiz

Liza, nag-immersion sa U.P.

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Liza, nag-immersion sa U.P.
Liza

Isang bagong pelikula ang muling pagtatambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa susunod na taon. Isang kolehiyala ang gagampanan ng aktres sa bagong proyekto mula sa Black Sheep. “I will be playing as Christine, she is a U.P. (University of the Philippines) art student. She has a lot of dreams aspirations and these dream of hers are ­really big dreams. Parang ang isa sa mga quote niya, if you are gonna dream, dream big,” pagdedetalye ni Liza.

Kinailangan pa uma­nong magkaroon ng immersion ng aktres sa U.P. upang mas ma­pabuti ang pagganap sa bagong karakter. “It was really fun. Nakita ko gaano ka-participative ‘yung students. It was really a fun class, an eye-opener. I actually learned a lot of things in the one hour na nag-sit in ako and I enjoyed,” nakangiting kwento ni Liza.

Ngayon pa lamang ay sobrang excited na ng aktres na simulan ang shooting ng bagong LizQuen movie. “I am very excited that we get all this time to prepare for this movie. Kasi ‘yung pre­vious movies namin laging nagmamadali kami. It’s really exciting that we get to immerse also, kind of relive our childhood again and I’m just really excited to be doing a movie again,” pagtatapos ng dalaga.

Bela ibang atake ang ginagawang pagpapa-sexy sa calendar

Masayang-masaya si Bela Padilla dahil sa pagkakapili sa kanya para maging 2019 Calendal Girl ng isang sikat na alak. Kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang mga larawan ng dalaga sa bagong kalendaryo. “I feel like sa photo shoot na ginawa namin, there will be different photos for every month and all of those photos represent a part of my life. So merong creative, merong babaeng-babae, merong strong, meron independent. I feel like they all somehow represent me,” nakangiting pahayag ni Bela.

Nakaramdam ng pressure ang dalaga nang tanggapin ang pagiging Calendar Girl dahil sa mga kilalang aktres na kanyang sinundan mula pa noon. Dahil dito ay talaga naman daw pinaghandaan ni Bela ang kanyang photo shoot.

Gusto ni Bela na maging iba ang pananaw ng mga tao sa pagiging sexy kaya ibang atake umano ang ginawa ng dalaga bilang Calendar Girl. “What I do resonates to the millenials, I’m very careful with what I do, because I want them to see taking care of my life,” dagdag pa niya.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with