Echo kakaiba ang pinakikitang husay sa pagpipigil ng luha
Bigla, pinag-uusapan ang serye ng ABS-CBN na Halik. Kasabay ng pagkagiliw dito ng manonood ang pagbulusok ng karera ng dalawang bidang babae na marami na ring nagawang projects in the past pero, dito sa Halik ay talagang pinag-usapan at hinangaan ang kanilang performance, sina Yen Santos at Yam Concepcion. Si Yen ay nabigyan na rin ng sarili niyang serye at naitambal na sa mga malalaking artistang lalaki ng Kapamilya tulad nina JM de Guzman at Piolo Pascual pero, ngayon lamang nabigyan ng karampatang papuri dahilan sa kanyang mahusay na pagganap bilang isang kinawawang asawa’t anak sa serye.
Ganundin si Yam na talagang humataw sa pagpapa-sexy sa kanyang launching film pero, tila wala itong sinabi sa pagganap niya ng role niya sa series bilang isang kabit. Maging si Sam Milby ay ayaw magpaiwan, sumasabay siya sa pag-arte ng tatlo niyang co-stars.
Pero, ang talagang nag-stand out sa kanyang role ay si Jericho Rosales na simula’t sapul ay nagpamalas ng kanyang kahenyuhan sa pag-arte pero, mukhang itinodo na niya ang lahat dito sa Halik.
Ginagawa niya ito sa isang napakasimpleng pamamaraan, walang halos galaw ng katawan, walang ekspresyon ng mukha kundi kinang lamang ng mga mata na tinulungan ng halos ayaw bumabang luha. Ang galing!
Gary hindi inakalang may matinding pinagdaanan
Hindi mo iisipin na galing sa isang malubhang karamdaman at maselang operasyon si Gary Valenciano na mismong ako ay napapangiwi at napapaigtad kapag nakikita siyang nagsayaw at nagtatalon sa TV. Nag-aalala tuloy kami ng mga supporter niya na baka mapigil ang mabilis niyang paggaling kundi man lumubha ang kanyang karamdaman. Will somebody please tell him na hinay-hinay naman. Natatakot ang mga nakakapanood sa kanya sa tila walang pangiming tiwala niya sa kanyang katawan.
Imelda parang ‘di tumatanda ang hitsura
Kalulunsad pa lamang ni Imelda Papin bilang endorser ng Imuregen ng Forever Healthy Products pero, feeling ng maraming dumalo sa launching niya ng produkto nung Sabado sa Robinson’s Galleria ay matagal na siyang umiinom ng nasabing produkto na bawa’t tableta ay tinutunaw lamang sa isang 500ml na tubig at iniinom ng kahit miminsan lamang o ubusin sa ilang inuman. Marami ang nagsasabi na parang hindi tumatanda ang Asia’s Sentimental Songstress at Undisputed Jukebox Queen kahit lumipas na ang mahabang panahon at mayro’n na siyang mga apo sa kanyang unica hija na si Maffi Carreon. Hindi lamang looks ang na-maintain niya kundi maging ang kanyang boses.
Isang immune booster ang Imuregen na pumipigil sa pagkakasakit ng tao sa pamamagitan ng pagpapalakas ng katawan nito. May lima itong variants – black currant, raspberry grapefruit, green tea lemon, orange lemon at tropical fruits. Hindi ito basta mabibili sa mga botika, grocery o supermarket kundi sa mga opisina ng Forever Healthy Products Inc., 1506 Galleria Corp. Center, EDSA cr. Ortigas, QC, Unit -103 Gerry Court Bldg., Gen. Maxilom Ave., Cebu City, ATU Plaza, Gov. Duterte St., Davao City at Unit 2F Orchid Tower ,Oriental Garden Chino Roces Ave., Makati City.
Walang claim ang Forever Healthy Product, Inc. na nakapagpapagaling sila ng mga sakit dahil immune booster lamang ang produkto nila pero, marami sa nag-try ng Imuregen ang nagbalik sa kanila para sabihin na gumaling maging ang mga iniinda nilang karamdaman.
- Latest