^

PSN Showbiz

Angel takot matarayan ni Marya!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Angel takot matarayan ni Marya!
Angel

Dapat ay wala nang artista ang makapagbibigay ng pangamba kay Angel Locsin after niyang makatambal si Cong. Vilma Santos sa Eveything About Her. Napaka-brutal ng role ng Star For All Seasons sa nasabing movie but, still nagawang i-assert ng da­ting Darna ang kanyang husay sa pag-arte.

So bakit natatakot pa siyang ma­­­kasama si Maricel Soriano sa bagong serye ng ABS-CBN na The General’s Daughter eh, hin­di pa naman siya nakakalasap ng kata­rayan nito. In fact, mas nakikita niya ang professio­nalism nito dahil two hours before call time ay nangangatok na ito sa mga dressing room nila at fully made up na.”Natapos na rin siyang paitimin dahil mahirap ang role niya at ang puti-puti at ang kinis niya pero, handa na siya at naghihintay na lamang na tawagin ng direktor,” kuwento ni Angel.

Boy hindi nagdamot kay Dulce!

Sa halip na si Boy Abunda ang bigyan ng tribute sa programa niyang The Bottomline dahil birthday niya, si Dulce ang parang itinaas niya ang estado bilang singer dahil sa isang napakagandang interview na ginawa niya para dito na kung saan ay nalaman ng manonood ang napakahirap na pinagdaanan nito bago siya tinanggap at inilagay sa kanyang posisyon ngayon bilang isang diva.

Napaka-generous ng King of Talk na i-share ang kanyang birthday sa mga hinahangaan at iginagalang na mga kasamahan sa showbiz. Happy birthday, Boy.

Ken palaban para sa anak

Kilala si Ken Chan na hindi sumusuko sa kahit anong challenge ang dumating sa kanya. Pero ganito rin kaya ang maging outlook ng karakter niyang si Boyet sa well-loved Kapuso series na My Special Tatay? 

Sa mga latest episode kasi nito, nasasaksihan na nila ang mga pagsubok ng mga magulang sa kanilang new-born babies tulad ng pagpapalit ng diaper, pagpapatahan sa pag-iyak at pagpapakain ng tama.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with