^

PSN Showbiz

John Lloyd maraming pinakawalan na milyones para kay Ellen

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd maraming pinakawalan na milyones para kay Ellen

Marami ang nagsasabi na hindi umano magandang influence si Ellen Adarna sa nobyo nitong si John Lloyd Cruz dahil magmula nang maging sila ay napabayaan na ng actor ang kanyang career hindi lamang bilang actor kundi bilang product endorser.

Sa halos walong buwan na walang ginagawang bagong project si John Lloyd  sa TV at pelikula at maging sa mga product endorsements nito, mil­yo­nes na pinakawalan nitong kita.

Sayang naman!

Kim at Xian hinahanapan ng magkasamang assignment

Kahit wala na sa pangangalaga ng Star Ma­gic si Xian Lim magmula nang ito’y lumipat sa bakuan ng Viva Artists Agency (VAA), hindi naman ito nangangahulugan na hiwalay rin sila ng kanyang perennial screen partner at ‘partner sa puso’ na si Kim Chiu dahil madalas pa ring magkasama ang dalawa sa mga lakaran kapag pareho silang walang ibang commitment.

Kaya naman umaasa pa rin ang mga tagahanga ng tamba­lang Kim at Xian na sana’y mag­katrabaho pa rin ang dalawa sa isang TV series o pelikula kahit magkaiba na ang kanilang kinabibilangang ma­nagement company.

Baron inaasahang tatalikod  na sa alak

Mukhang desididong magbago ang actor na si Baron Geisler dahil ito mismo ang nag-volunteer na magpa-rehab para gumaling at matanggal na ng tuluyan ang kanyang pagiging alcoholic lalo pa’t mga mahal sa buhay na niya ang kanyang nasasaktan.

Dahil sa sunud-sunod na gulo na kinasangkutan ni Baron na madalas mangyari kapag siya’y nakakainom, hindi na rin siya halos nabibigyan ng trabaho bilang actor dahil sa kanyang masamang imahe.  Ganun pa man, umaasa ang marami na sana’y tuluy-tuloy na ang pagbabago ni Baron at hindi sa simula lang. When this happens, he deserves another chance in showbiz lalo pa’t isa siyang magaling na actor.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with