^

PSN Showbiz

Maangas na young actor sinusubuan pa ng mommy pag kumakain!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ginawang prinsipe kaya nawalan ng respeto

Hayan, naglalabasan na ang maraming kuwento tungkol sa isang young actor na nagpalutang ng kayabangan kahit pa wala pa naman siyang kahit anong napatutunayan, nabuhay ang mga kuwento ng kanyang nakaraan.

Sobrang spoiled daw kasi sa kanyang mga magulang ang bagets na ito, lahat ng kanyang gusto ay walang pagdadalawang-isip na ibinibigay ng kanyang parents, kaya lumaking mayabang ang young actor.

Pag-alala ng isang source, “Nu’ng batambata pa si ____(pangalan ng hambog na young actor), e, kitang-kita na talaga ang pagiging spoiled niya. Kasama siya sa isang pambagets na show nu’n, palaging nakabantay sa kanya ang parents niya.

“Kapag break na at kailangan nang magpalit ng damit ng mga bagets, kani-kanyang kilos na ang mga kasamahan niya. Nagtatanggal na sila ng shoes, naghuhubad ng damit, sila-sila ang gumagalaw!

“Pero itong bagets na sakdal angas ngayon, e, basta nakaupo lang, ang mommy niya ang nagtatanggal ng t-shirt niya, ang father niya naman ang naghuhubad ng shoes niya!

“Ganu’n! Para siyang prinsipeng pinaglilingkuran ng mga magulang niya, nakaupo lang siya talaga, hindi siya kumikilos! Tapos, kapag sinusuutan na siya ng polo ng parents niya, e, basta didipa lang siya!

“Mismo! Para siyang manikin na sinusuutan ng damit ng mommy niya, samantalang puwede naman na siya na lang ang mag-isang magsuot nu’n, di ba? Saan ka naman makakakita ng taong basta didipa na lang para siya bihisan? Malaki na siya nu’n, kayang-kaya na niyang gawin ang mga bagay-bagay na iniaasa pa niya sa mga magulang niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

At hindi pa du’n nagtatapos ang mga kuwento, maraming mommy ng mga kasamahan niyang bagets actors ang nakakakita sa kanya habang sinusubuan ng food ng mommy niya, ganern na ganern nga.

“Nakakaloka! Kumakaing mag-isa ang mga co-stars niya, pero siya, sinusubuan pa ng food ng mommy niya? Aysus, kulang na lang na nguyain pa ng mommy niya ang pagkain para hindi na siya mahirapan!

“Ayan tuloy, sa sobrang pagka-spoiled niya, ang akala niya, e, kayan-kayanan na niya ang buong mundo. Maangas siya, may kabastusan, hindi siya marunong magbigay-pugay sa mga nakatatanda sa kanya.

“Sala siya sa init, sala siya sa lamig, kailangan nang kalusin ang kaangasan ng young actor na wala pa namang napatutunayan!” inis na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Ellen at John Lloyd gamit na gamit  na agad ang baby!

May mga kababayan tayong naninindigan na nanganak na si Ellen Adarna sa isang ospital sa Singapore. Mabilis na kumalat ang kuwento dahil maraming Pinoy na nagtatrabaho sa Thomson Medical Center.

Pero nananatiling tahimik sina Ellen at John Lloyd Cruz, hindi nila kinukum­pirma ang balita, sa halip ay inililigaw pa nga nila ang mga kuwentong lumalabas.

Ang inilabas na retrato ng magkarelasyon ay dalawang aso, hindi sanggol, ang mga alaga nilang aso ang ipinakikita nila ngayon sa publiko. Maraming nainis at nainsulto sa kanilang ginawa.

Kung hindi pa nanganganak si Ellen ay napakadali namang itama ang mga kuwento, di sabihin nila na wala pang sanggol na isinisipot sa mundo, tapos ang kuwento.

Hindi ‘yung ganyan na para pa nilang binu-bully ang publiko sa paglalabas ng kanilang mga aso bilang pagkontra sa balitang nanganak na si Ellen. Hindi na maganda sa panlasa ang mga ginagawa nina JLC at Ellen.

Ang nakakalungkot lang, baka kapag totoo na ang kuwentong nanganak na ang sexy actress ay saka naman ayaw nang maniwala ng publiko sa kanilang mga sinasabi, hindi malayong mangyari ang ganu’ng senaryo.

Ang dali-dali naman ng isyung ito. Oo o hindi lang ang kailangang sabihin ng mga tauhan sa kuwento. E, di oo kung totoo, di hindi kung hindi!

May problema ba du’n?

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with