^

PSN Showbiz

Billy at Coleen tinipid ng stylist!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Billy at Coleen  tinipid ng stylist!

Outfit sa prenup santambak ang kapareho!

Grabe nagka-windang windang na ang pre-nup pictorial nina Billy Crawford at Coleen Garcia. Matapos bira-birahan na ginawang accessory ang mga katutubo sa background  ng pictorial nila sa bansang Ethiopia (isang bansa sa Africa) for a glossy magazine, nag-trending kahapon ang mga katernong tela ng suot na long sleeve polo ni Billy at ng kaparehong tela na isinuot ni Coleen.

Ang colorful long sleeve ni Billy ay may katernong bag, sofa cover at throw pillow case (na si Regine Velasquez pa ang nag-upload).

Ang kay Coleen na 2-piece long dress, ang katerno ay bag at ‘yung isang suot niya pa ay bed sheet ang kapareho ang design ng fabric.

Yup, as in napaka-ordinary pala ng nasabing mga tela na ginamit ng stylist ng ikakasal. At very affordable ang presyo kung iisipin dahil nga hindi naman mukhang mamahalin ang mga nagsulputang ka-design.

Tinipid ba sila?

Well, kahit ano pang gawing paliwanag ng designer, walang lusot na gumamit siya ng ordinary design ng fabric.

Alam naman niyang celebrity ang dadamitan at lumipad pa sa Africa para mag-pictorial ‘yun ang ginamit niyang tela.

“All around pala ang telang eto...  #StylistIsDead #keepemcomin,”  ang caption ni Billy sa sofa na ang cover ay ang karugtong na tela ng kanyang polo.

All around naman talaga kasi puwedeng kahit ano. Baka nga may katerno pa ‘yang pajama, table napkin, table runner at iba-iba pa.

Kawawa rin sina Billy and Coleen imbes na purihin sa kanilang prenup pictorial na lalabas sa isang glossy magazine, nalait dahil nga sa mga nangyari.

Isa pang pinupuna sa kanila ay bakit daw kailangan pa nilang bumiyahe sa Ethiopia samantalang hindi naman nakita sa kanilang mga pictorial ang tunay na ganda ng nasabing bansa na ayon sa country profile ng BBC ay pinaka-oldest independent country at second sa pinaka-largest in terms of population.

Eh puwede naman daw itong kinunan na lang sa Sagada o sa Batanes. Nakatulong pa nga naman sana sila sa pag-boost ng ating tourism industry.

Nauna na silang nagpaliwanag na inimbita sila ng Ethiopian Airlines para doon mag-shoot para nga i-promote ang tourism ng nasabing bansa.

Uunahan si Kris, Gretchen eeksena uli sa talkshow

Uy parang uunahan ni Gretchen Barretto si Kris  Aquino na magka-career uli. Balik-talkshow diumano si La Greta. Pero hindi sa TV, online lang.

Pero bongga raw ang producer, gagastusan ang nasabing online show ni Gretchen.

Ang banggit ng kausap ko kahapon, Gretchen na Gretchen ang concept ng talkshow kung saan meron siyang kasamang mga host.

So hintayin natin ang pagbabalik ng ‘reyna’ sa eksena though hindi naman siya nawala dahil ramdam na ramdam ang kanyang presence sa social media.

Sagutin na kaya niya rito sa talkshow nila ang tungkol sa pinagmamalisyahang closeness nila ng tycoon na si Mr. Atong Ang? Si Mr. Tony Boy Cojuangco ang partner niya pero diumano ay madalas silang spotted sa maraming lugar na kumakain at nag-aattend ng mga party.

Tiyak maraming pasasabugin si Gretchen sa kanilang talkshow.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with