^

PSN Showbiz

Bilyonaryo, matalino at guwapo, Daniel Matsunaga wala raw binatbat sa bagong bf ni erich na si Mateo Lorenzo!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Sobrang yaman, guwapo at matalino ang bagong boyfriend ni Erich Gonzales ayon sa isang source na kausap ko kahapon.

Ang alam niya (the source) ay boyfriend na ito ng actress though ang sinasabi ni Erich sa mga interview ay hindi pa sila. “Hi Salve, si Erich is with Mateo Lorenzo. Very rich family and previous owner of Pancake House etc.,”  bahagi ng text ng super reliable source.

At ex girlfriend daw ni Mr. Lorenzo ang Miss Intercontinental 2017 Philippines Katarina Rodriguez dagdag na information pa ng source. Bago sumali sa Miss Intercontinental ay naging finalist na si Katarina sa Asia’s Top Next Model. Sa January 24 pa gaganapin ang Miss Intercontinental sa Egypt. Matagal-tagal din daw ang naging relasyon ng dalawa.

Anyway, dati ay ayaw pangalanan ni source ang guy nang unang ikuwento niya sa akin. Pero kahapon ay nabanggit na niya.

Pag-aari raw ng Lorenzo family ang kumpanyang La Panday, isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa.

“They have a complete gym in their house in Alabang but nasa Manila Polo gym siya everyday. Super good looking,” dagdag ng source.

Isa ang mga Lorenzo sa pinakamayang pamilya sa Pilipinas.
At more good looking daw than Daniel Matsunaga, ang Brazilian actor na ex ni Erich itong si Mr. Lorenzo. “At very macho pa,” dagdag of my source. As in wala raw binatbat sa ex ng actress.

Hindi active sa social media si Mr. Lorenzo. Nang bisitahin ko ang Facebook account. Last year pa ang huling post niya.

Ex din ng actress na bida sa pelikulang Siargao ang boyfriend ngayon ni Arci Muñoz na si Anthony Ng.

In all fairness kay Erich tatahi-tahimik lang siya, pero big time ang mga nagiging boyfriend niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with