^

PSN Showbiz

Pagkalalaki ni Joross biglang pinagdudahan ng misis

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Derek kapiling ang anak sa pasko at bagong taon!

PIK: Natutuwang ikinuwento ni Derek Ramsay sa press preview sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni Jennylyn Mercado na nakikita raw niyang proud na proud sa kanya ang anak niyang si Austin sa mga pelikulang ginagawa niya.

Dala ni Derek ang anak niya na kararating lang galing ng Dubai sa panonood ng pelikula nilang All of You.

Sabi ng hunk actor, isinasama niya ang anak sa mga ganung events ng pagiging artista dahil nakikita raw niyang proud ito sa kanya.

“He’s very proud. Nung 2015, dinala namin siya sa movie All You Need is Pag-ibig, after the movie and the fans were asking for pictures, sabi niya ‘that’s my Dad! He’s very proud naman. Very proud,” kuwento ng aktor.

Tiyak na lalo siyang ipagmamalaki dahil ang galing ni Derek sa All of You at posibleng lumaban siya sa Best Actor.

Dito raw magpa-Pasko ang anak niya hanggang Bagong Taon. Pagkatapos daw ng awards night ng MMFF, aalis sila pa-Palawan para doon na salubu­ngin ang Bagong Taon.

PAK: Nakakatawa ang kuwento ni Joross Gamboa tungkol sa kanyang misis kung paano raw niya inayos at paniwalaing umaarte lang siyang beki sa pelikulang Deadma Walking, at tunay siyang lalaki.

Isinama niya kasi ang kanyang asawa at dalawang anak para panoorin ang nasabing pelikula. Convincing naman kasi talaga ang acting niya bilang isang bading.

Kaya para hindi raw magduda ang misis niya, pag-uwi nila ay inayos na niya ito sa kanilang kuwarto. “Hindi ko na siguro kailangang idetalye kung paano ‘di ba? Basta na-prove ko na sa kanya na lalaki talaga ako. Nakadalawang anak na nga eh,” kuwelang pahayag ng bida ng Deadma Walking.

Masaya ring ikinuwento ni Joross na papasukin na niya ang pagdidirek. May nai-submit siyang magandang material na comedy-drama para sa digital platform ng ABS-CBN 2.

Baka simulan na raw nila ito. Pero sabi naman ni Joross, hangga’t hindi pa siya nagsisimulang rumolyo, ayaw daw niyang panghawakang matutuloy ito.

“May budget na raw eh. Hopefully, makapag-start na kami shoot sa January.

BOOM: Isang kaibigan ang nag-text kay AiAi delas Alas at kinumusta ang first night nila ni Ge­rald Sibayan bilang husband and wife.

“Successful!” sagot daw ni Mrs. Sibayan.

Nagpasalamat lang si AiAi sa lahat ng mga tumulong, nakibahagi at nagbigay ng regalo sa kanyang wedding.

 Sa ganda ng wedding ce­remony hanggang sa reception nito, ito na nga ang masasabing dream wedding niya at wala na nga raw siyang mahihiling pa.

Kahapon ay nakita na na­ming updated na ang profile ni AiAi sa kanyang Instagram account. Dala na niya ang apelyidong Sibayan.

Nakalagay sa profile niya sa kanyang Instagram account, “Movie and TV Filipino actress. Wife of GERALD P. SIBAYAN. Mother of 4 beautiful children & 5 cute puppies. GOD is the center of my universe.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with