^

PSN Showbiz

Heart parang walang nangyari ang reaction nang masalubong si Echo at misis

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Salve A., hindi talaga maiiwasan na hindi magkita ang mga taong dati’y nag-iiwasan for various reasons at isa na marahil dito ang ex-sweethearts na sina Heart Evangelista at Jericho Rosales na kamakailan lamang nagkita sa isang event kung saan kasama pa ng actor ang kanyang misis na si Kim Jones.

It’s been nine years nang magkahiwalay sina Heart at Jericho in 2008 at hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkitang muli since their break-up until magkita silang muli sa isang event na pareho nilang dinaluhan. 

It seems na hindi kasama ni Heart ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero sa nasabing pagtitipon na dinaluhan din ng mag-asawang Jericho at Kim. Pero ang nakakatuwa, nagbatian at nag-usap ang dating magkasintahan just like the good old days kasama ang misis ni Jericho na si Kim.

Ang hindi namin sigurado ay kung nagkita at nag-usap na muli ang isa pang mag-ex, sina Jericho at Kristine Hermosa na misis na ngayon ng actor na si Oyo Sotto.

Samantala, pareho pang walang baby hanggang ngayon ang mag-asawang Heart at Sen. Chiz gayundin sina Jericho at Kim.

Ang thirty-year-old wife ni Jericho na si Kim na isang model at international designer ay ipinanganak sa United Kingdom pero lumaki sa Australia.

Kinaiinggitan Mahal hindi nawawalan ng lovelife!

Ang haba talaga ng hair ni Mahal (Noemi Tesorero in real life), 43, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nawawalan ng lovelife despite her age, look, and height.

Sa totoo lang, tampulan ng inggit si Mahal ng iba dahil nakakailang boyfriend na rin ito at isang asawa kung kanino hiwalay na rin siya.

Pinag-usapan noon ang naging relasyon ni Mahal sa yumaong singer-actor na si Jimboy Salazar na naging member ng That’s Entertainment. Meron din siyang naging nobyo na nagngangalang Thyrone Belleza Navarro at na-feature pa sa Rated-K ang kanilang love affair. Noong 2015 ay ikinasal si Mahal kay Jobbie Hebrio pero nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa. Pero ngayong 2017 ay muling naka­hanap si Mahal ng bagong ma­mahalin sa ka­tauhan ng isang Sam Jacinto, guwapo at much younger sa kanya.

Kung ang ibang mga babae ay tila luhaan sa paghahanap ng kanilang mamahalin, muk­hang hindi ito problema ni Mahal na agad nakakahanap ng kanyang bagong Papa.

I wonder kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ni Mahal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with