^

PSN Showbiz

Tirso solong Pinoy na nominado sa Asian TV Awards

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tanging si Tirso Cruz III lang ang Pilipinong aktor na napabilang sa listahan ng mga nominado para sa Best Supporting Actor sa gaganaping 22nd Asian TV Awards kung saan kinilala ang kanyang mahusay na pagganap bilang mapakapangyarihang gobernador na si Julio Ardiente sa hit primetime series ng ABS-CBN na Wildflower.

Makakalaban ni Tirso sa nasabing parangal si Han Chang mula Taiwan, sina Chen Mu Yi at Sani Hussin ng Singapore, at sina Oabnithi at Krissanapoom ng Thailand. Si Tirso ang natatanging Filipino actor na nakakuha ng acting nomination.

Bukod kay Tirso, nominado rin ang The Voice Kids sa Best Adaptation of an Exis­ting Format category at Cathy Yang para naman sa Best News Presenter or Anchor category.

Magaganap ang 22nd Asian TV Awards ngayong darating na Dec 1 sa Suntec, Singapore.

My Secret Romance magpapakilig gabi-gabi

Isang urong-sulong na pag-iibigan ang kakikiligan ng Kapuso viewers sa GMA primetime ngayong Lunes, Nobyembre 27. Sa kwento ng My Secret Romance, mag-iiba ang mahiyain at conservative na pagkatao ni Yumi (Song Ji Eun) matapos makilala ang charming at happy-go-lucky na si Gino (Sung Hoon). Magkakakilala sila sa isang resort, at dahil parehong may pinagdadaanan, nakahanap sila ng karamay sa isa’t isa.

Laking gulat ni Yumi nang matagpuan ang sarili na kasama si Gino sa isang kotse kinabukasan, kaya nabigla ang dalaga at dali-daling tumakas palayo. Nagising si Gino na mag-isa at hindi makapaniwalang umalis ang babaeng nakasama niya buong gabi. Babaguhin siya ng pangyayaring iyon at mula sa pagiging mapaglaro, ay mas magiging seryoso na siya at responsable.

Paano kung magkita silang muli? Maitago kaya nila ang kanilang undeniable attraction sa isa’t isa? Sundan ang pakipot at nakakakilig na kwento ng My Secret Romance tuwing Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with