^

PSN Showbiz

Jose, Wally At Paolo, level up na ang pagiging lolas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sasabak sa mas malaking laban ang mga sikat na Lolas na sina Lola Tinidora (Jose Manalo), Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tidora (Paolo Bal­lesteros) dahil bidang-bida na sila sa pampamilyang pelikulang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies ngayong Nobyembre 22.

Sa Trip Ubusan, pinaghahandaan nina Lola Tinidora, Lola Nidora at Lola Tidora ang nalalapit na kaarawan ng apo nilang si Charmaine (Caprice Cayetano) bilang regalo. Gusto nilang maging perfect ang birthday ng apo para maging memorable ito sa bata.

Habang pinaplano ang out of town na biyahe, nagkakagulo na ang mga tao sa paligid dahil sa biglang naglabasan at naglipana ang mga zombie.

Nakasalubong nila ang grupo ng kabataang kinabibilangan nina Marcy (Ryzza Mae Dizon), Rish (Taki Saito), Aladin (Kenneth Medrano), Cath (Shaira Mae dela Cruz), Will (Miggy Tolentino) at Jhayvhot na takut na takot sa nagkalat na zombies.

Umiral ang pagiging Super Lolas nila gamit ang determinasyon at galing sa utakan upang mailigtas hindi lang ang mahal na apo kungdi pati ba ang sambayanang gustong biktimahin ng mga zombie.

Suspense, horror and comedy at its best ang pasabog, pasiklab at paandar nina Lola Tinidora, Lola Nidora at Lola Tidora sa kanilang unang venture sa pelikula mula sa direksyon ni Mark Reyes.

Bahagi rin ng Trip Ubusan  sina Angelika dela Cruz, Arthur Solinap, Lovely Abella at may special participation sina Rochelle Pangilinan, Joshua Zamora, Niño Muhlach at Al Tantay.

Mula ito sa APT Entertainment at M-Zet Productions.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with