^

PSN Showbiz

Laura at Rachel tinututukan kung makakasungkit ng korona!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sunud-sunod ang mga international beauty com­petition na si­na­­sa­lihan ng Pilipinas nitong buwan ng November at sa tatlong kumpetisyon ay dalawa na rito ang nasungkit ng ating bansa – ang 2017 Miss Earth (Ka­ren Ibasco) at 2017 Reina Hispanoamericana (Teresita Ssen “Winwyn” Marquez). Natalo naman ang Pilipinas sa 2017 Miss International kung saan si Mariel de Leon ang kumatawan.

Bukas, araw ng Sabado, ay gaganapin naman ang Miss World competition sa Sanya, China kung saan ang representative ng Pilipinas ay si Laura Lehman.

Ang talent manager at managing director na Miss World Philippines na si Arnold Vegafria ay isa sa mga tata­yong hurado sa Miss World. Umaasa si Arnold na magiging maganda ang laban ni Laura sa nasabing competition.

Ang isa pang inaabangan nga­yon ay ang nalalapit na Miss Universe coronation night na gaganapin sa The Axis ng Planet Hollywood sa Las Ve­gas, Nevada on No­vem­ber 26 kung saan naman si Rachel Peters ang kinata­wan ng Pilipinas.

Winwyn on-call bilang reina

Inamin ni Winwyn na hindi ganoon kadali ang journey na kanyang pinagdaanan when she competed for the crown for Reina Hispanoamericana in Sta. Cruz, Bolivia. Halos ma­ngi­yak-ngiyak siya dahil hindi sila magkaintindihan ng kara­mihan sa mga kandidata na pawang Latina at Spanish ang salita at wala umanong puwedeng mag-interpret para sa kanya. Pero sa kabila nito ay siya na mismo ang gumawa ng paraan para magka­intin­dihan sila.

Ang nakaka­lungkot lamang daw ay mga kababayan pa umano natin ang namba-bash sa kanya sa halip na maging supportive. Inamin ni Winwyn na nakatulong sa Q&A portion ang personal niyang naging experience habang siya’y nasa Bolivia for the competition. 

Ngayong nakabalik na ng bansa si Winwyn ay puwede nitong ipagpatuloy ang iba niyang gawain bilang actress pero on call umano siya sa mga activities lined-up for her ng Reina Hispanoamericana organization sa Bolivia at maging sa ibang bansa.

Tatlong lola huhusgahan sa pelikula

Matapos sugalan noon ang JoWaPao nina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros ni G. Tony Tuviera sa isang sold-out major concert sa Big Dome several years ago, heto’t sumusugal na naman si G. Tuviera  sa tatlo bilang mga lola as Lola Tinidora, Lola Tidora at Lola Nidora, bilang mga lola sa Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies na co-venture ng APT Entertainment at M-Zet Films mula sa direksiyon ni Mark Reyes. 

Ito’y magbubukas sa mga sinehan nationwide simula sa November 22, 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with