^

PSN Showbiz

Zia makakaranas na ng birthday party!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Simula sa susunod na linggo, bago na ang costume ni Marian Rivera sa Super Ma’am. Blue pa rin daw ang color nito pero kita na ang tiyan. Ang paliwanag ni Ma­rian, tuwing may natatalo siyang Tamawo, nadadagdagan ang mga sandata na inilalagay sa costume niya.

Every week, may bagong guest sa Super Ma’am at isa rito si Conan Ste­vens, ang Australian actor na napanood sa Game of Thrones at Encantadia. Nasa bansa na ang actor at sabi ni direk LA Madridejos, magti-taping na this week at next week ay baka mapanood na ang episode. Hindi nabanggit kung kakampi o kaaway siya ni Super Ma’am.

Naikwento pala ni Ma­rian na nagulat siya sa pagkakasali ng Super Ma’am sa most-buzzed new show sa social media ayon sa Social Wit List. Ang alam ni Marian, nationwide lang ang survey pero only show ito sa Pilipinas na napasama sa list.

“Bonus na sa amin ang gu­ma­­gan­dang rating ng series, ang importante ‘pag lumalabas ako at tinatawag akong Super Ma’am. Saka ang feedback na marami silang natututunan sa show. May nagsi-send sa akin ng video o photos ng mga bata na tutok sa panonood ng Super Ma’am, nakakatuwa. Nanonood din si Zia at ‘pag nakita ako, sumisigaw ng ‘Mama’,” kuwento ni Marian.

Birthday na pala ni Zia sa November 23 at kung last year ay walang party, this year ay plano nina Ma­rian at Dingdong Dantes na i-celebrate ang se­cond birthday ng bagets sa events place para sa mga bata. Gusto nilang mag-enjoy si Zia at mga bisita nito, pero mas matutuwa si Zia kung ang gift sa kanya ay ang hinihinging baby brother. Sabi ni Dingdong, kaya ni Marian na mag-fight scene kahit buntis siya sa second baby nila.

Samantala, may award na naman si Marian ga­ling sa Eton International School. Ginawaran siyang Pillar of Hope Awardee na ang awar­ding ay sa October 29 sa PICC.

Also, kahapon ay nag-pictorial na si Ma­rian sa bago niyang endorsement na Kultura Filipina ng SM Malls. “Hindi ko need na puro gawa ng Kultura Filipina ang suot ko. Nagulat ako ang gaganda ng design nila at isinusuot ko. Gusto lang nila ipamulat ang husay ng mga Pinoy at magkakaroon ako ng collaboration sa kanila, sa jewelry muna, sa pearl. Excited na ako,” wika ni Marian.

This Time… nina Barbie at Ken may K-drama feel

Isang factor na mas nagpaganda sa This Time I’ll Be Sweeter ang cinematography ng movie. Magaan sa mata ang mga eksena kahit nag-aaway ang mga karakter nina Barbie Forteza at Ken Chan. Ang dinig namin kay director Joel Lamangan, si Philipp So ang DOP ng movie na may kakaibang ginawa kaya iba ang texture ng pelikula.

Comment ng isang reporter, may K-drama feel ang cine­matography at lumabas na makikinis ang cast sa movie na showing na sa November 8.

Pinuri ni direk Joel ang buong cast lalo na sina Barbie at Ken.“Makikita rito ang talent nilang dalawa. Magaling silang dramatic actor sa generation nila. I’m so proud I’ve worked with them. Mahusay sila at wala akong napagalitan o nasigawan dahil siguro takot sila. Ito lang ang movie na wala akong napagalitan dahil they come on time at may respeto sila sa propesyon nila at sa mga kasama. Ang ganda-ganda ng training nila,” patungkol ni direk Joey sa mga bida.

Double time sa mall show ang cast dahil aalis si Ken para sa concert nila nina Glaiza de Castro, Dave Bornea, Tetay, at Jak Roberto sa Singapore sa October 22. Pagbalik niya, hahataw uli siya sa mall show at promo ng This Time I’ll Be Sweeter.

State of the City Address ng QC, showbiz na showbiz na

Nakita namin sa State of the City Address ni Quezon City Mayor Herbert Bautista noong October 9 na ginawa sa Quezon City Hall sina Konsehal Rode­rick Paulate at Mayen Syjuco. Nagkakumustahan ang da­lawa sa mga repor­ter na present at nagulat si Roderick sa sinabing “entertainment factor.”

Nagsalita rin si Vice Mayor Joy Belmonte at nakakatuwa ang pa-picture taking kay Herbert ng mga konsehal at department heads. Maganda ang ginawa ni Mayor Herbert na binabanggit ang pa­nga­lan ng department na maganda ang trabaho.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with