^

PSN Showbiz

Mang Tani nasa radyo na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapakikinggan na rin sa Super Radyo DZBB ang disaster preparedness campaign ng GMA News and Public Affairs na I M Ready – ang I M Ready sa Dobol B na ihahatid ng resident meteorologist ng Kapuso Network na si Nathaniel ‘Mang Tani’ Cruz tuwing Sabado ng umaga, 10 to 11 AM.

Tampok sa I M Ready sa Dobol B ang comprehensive weather forecasts, trivia, pati na rin ilang tips kung paano maging handa sa iba’t ibang uri ng kalamidad. May pagkakataon din ang mga tagapakinig na magtanong kay Mang Tani tungkol sa lagay ng panahon sa segment nitong Magtanong kay Mang Tani.

Kinikilala si Mang Tani bilang “ekspertong totoo” dahil na rin sa mahigit dala­wang dekada niyang karanasan sa weathercasting. Aniya, natutuwa siyang mabigyan ng pagkakataong maibahagi sa mas maraming tao ang kahalagahan ng pagiging handa sa anumang sakunang paparating.

 “Ang paghahanda, hindi ginagawa kung kailan nandiyan na ‘yung panganib, kundi ito ay ginagawa habang wala pa. Hindi kailangang maging mayaman ang isang komunidad para makapaghanda. Ang kailangan lang ay sapat na kaalaman. Alam kung saan pupunta, sinu-sino ‘yung mga dapat mauna, at dapat lahat ng miyembro ng pamilya alam kung ano ang gagawin kapag may parating na panganib,” sabi ng Kapuso meteorologist.

Tumutok at maging laging handa kasama si Mang Tani sa I M Ready sa Dobol B tuwing Sabado mula 10 hanggang 11 ng umaga, sa Super Radyo DZBB 594 kHz.

Maaaring magpadala ng inyong mga katanungan para kay Mang Tani sa Facebook ng Super Radyo DZBB 594kHz o sa Twitter (@dzbb) gamit ang official hashtag na #MagtanongKayMangTani.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with