^

PSN Showbiz

Niño Muhlach handa nang magpapayat!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Niño Muhlach handa nang magpapayat!

Niño

PIK: Kasabay ng pag-launch kay Migz Haleco bilang solo artist ng PPL Entertainment, Inc., ini-launch na rin ang bagong hawak ni Perry Lansigan na bandang Agsunta.

Apat na miyembro lang sila na unang nakilala sa YouTube at Facebook. Doon sila nakakuha ng maraming followers dahil sa galing nila.

Pero si Migz ang nagpakilala kay Perry dahil pareho silang produkto ng College of St. Benilde.

Four years na silang tumutugtog at naggi-gig sa ilang bars, pero regular sila ngayon sa Kraft sa BGC.

Iba ang style ng naturang banda, na gustung-gusto nung panahon ng 90s, at binabalikan nga raw nila ito ngayon.

Lead vocalist nila si Jireh Singson at ang ilang pang miyembro ay ang magkapatid na sina Mikel, Stephen Arevalo at Josh Planas.

Pumirma na sila sa Star Music, at meron na raw silang album na ilu-launch ng naturang recording company.

PAK: Gusto palang manggulat ni Niño Muhlach ngayong taon, dahil gusto raw niyang magpapayat.

Na-inspire ang dating child wonder sa mga training ni Kiko Matos na co-actor niya sa indie film ni Sharon Cuneta sa Cinemalaya 2017, ang pelikula ni Mes de Guzman na Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Sabi naman ni Kiko, hindi naman daw siya certified trainor pero balak daw niyang isama si Niño sa program ng training niya para pumayat ito.

Pero pinaghahandaan daw muna ngayon ni Kiko ang laban niya sa URCC sa August 12. Pagkatapos niyan ay magpu-focus na raw siya sa training kay Niño dahil gusto raw nilang baguhin talaga ang look ng dating child actor.

“We will work on his physique. We will bring out the new Niño this year,” nakangiting pahayag ni Kiko.

Hindi lang masabi ng indie actor kung sino ang makalaban niya sa URCC dahil naghahanap pa raw sila ng ka-match niya. Malabo naman daw si Baron Geisler dahil kulang pa raw ito sa training at mismatch daw sila ngayon ni Kiko.

“Kung gusto niya magkaroon ng rematch, mag-train siya, pumasok siya sa gym.

“Paghirapan niya. Kasi ako, before I’ve been offered to fight in the URCC I’ve been training na rin eh,” pakli ni Kiko.

Gaganapin daw sa Araneta Coliseum ang laban ni Kiko sa August 12.

BOOM: Marami na ang nagpapayo kay Timothy Tan na sampahan na ng kaso ang asawa ni Clarisma Sison na si Robert Sison at ang mga kasamahang nambugbog umano sa kanya.

Ayaw pang magsalita ni Timothy ng buong detal­ye at kung ano ang plano nila, pero ang dinig namin, magkakaroon na ng inquest ngayong araw.

Pareho naman yata silang magdedemandahan pero ang inaalam pa namin ay kung damay ba ang sinasabi ni Timothy na direktor na nagbanta raw sa kanyang ipapatutumba siya.

Ayon sa ilang taong malapit kay Timothy, ang tinutukoy daw nilang direktor ay si direk Roderick Lindayag na kasama raw nung Robert Sison.

Sinabihan pa raw siya ni direk Lindayag kung kilala raw siya. Sinabi pa raw niyang sa katapat lang siya, na ang tinutukoy ay ang ABS-CBN.

Kayang-kaya raw siyang ipa-headline kinabukasan, at may pagbabanta pa raw na ipatutumba siya.

Sandaling nakausap namin si Timothy kahapon at itinatanggi niya ang tungkol sa nabalitaan naming mag-i-inquest.

Wala lang daw muna siyang sasabihin kung ano ang plano niya, dahil nag-uusap pa raw sila ng abugado niya.

Pero kung sakaling magdedemanda man daw siya, isasama raw niya itong si direk Lindayag na nagbanta raw sa kanyang kaya siyang ipatumba.

Ang isa pang pakiusap ni Timothy, huwag na rin daw sanang idamay si Sunshine Dizon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with