^

PSN Showbiz

Anak ni Gretchen maagap sa kahihiyan!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

May dapat ipagpasalamat ang nakababatang ka­patid ni Julia Barretto na si Claudia Barretto sa pinsan niyang si Dominique Cojuangco dahil kung hindi nito tinawagan ang kanyang mommy na si Gretchen Barretto, hindi marahil magbabago ang statement ni Greta laban sa kanyang paboritong pamangkin na si Claui (Claudia).

Very close sina Dominique at Claui na parang magkapatid at parang anak naman ang turing ni Greta kay Claui. Katunayan, Mama ang tawag ni Claui sa kanyang tiyahin.

Pero hindi na siguro mababawi pa ni Gretchen ang kanyang unang pahayag kung saan pati pangalan ng dating mayor ng Caloocan na si Recom Echiverri ay nabanggit.

Derrick may ibubuga sa pagho-host

Sabay na idinalos last June 24 (Sabado) ang co­ronation night ng Miss Manila at Miss Global Philippines.

Ang Miss Manila ay ginanap sa PICC habang ang Miss Global Philippines ay ginanap naman sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Sina Luane Dy at Derrick Monasterio ang mga tumayong hosts ng Miss Global Philip­pines at marami ang ginulat ng Kapuso actor na magaling pala itong mag-host.

Ang kapansin-pansin lamang sa Miss Global Philippines ay ang pagiging over-commercialized ng presentation sa rami ng special awards na ipinamigay courtesy of the sponsors.

Hanggang sa Miss Global Philippines ay tila weakness pa rin ng ibang kandidata ang hindi  maayos na sagot sa Q&A portion. Dapat talaga sa mga sasali ng beauty pageant ay may angking taglay na brains dahil ang karamihan sa kanila ay sumasablay pagda­ting sa Q&A portion.

Lala Aunor ginulat ang best friend

Ang dating member ng Apat na Sikat noong dekada `70 at successful businesswoman na si Maribel `Lala’ Aunor ang nagbigay ng surprise party sa kanyang US-based na ngayong best friend, ang choreographer-dancer (during the 70’s and 80’s) na si Chato Sugay. Ginanap sa clubhouse ng Sky Villas at One Balete in Quezon City last Saturday evening ang kanyang ika-60th birthday.

Napakaganda ng setup pati music na tinugtog ay pang-70’s at 80’s kaya nag-enjoy ang mga bisita na lahat naka-relate sa music at kasama na rito ang ka-loveteam noon ni Lala na si Arnold Gamboa. Naroon din ang ibang mga kaibigan nina Lala at Chato na sina Adrian Panganiban, ang veteran actress na si Rosemarie Sarita ang her beautiful daughter na isa ring artistahin. Kasama naman ni Chato ang kanyang second husband na si Dr. Cezar Jimenez at ang magandang daughter niyang si Nicole Turk from her American ex-husband kasama ang Portuguese boyfriend nitong si Dan Cabral. Naroon din ang dalawang anak ni Lala na sina Marion at Ashley Aunor na kahit millennials ay naka-relate sa panahon ng kanyang mommy at Tita Chato nila.

Ang special friendship nina Lala at Chato dates back noong panahon pa ng Apat na Sikat (na binuo ng yumaong si Ike Lozada) na tinampukan din ng nakababatang kapatid ni Rep. Vilma Santos-Recto na si Winnie Santos at ang yumaong si Eddie Boy Villamayor, ang bunsong kapatid ni Nora Aunor.

Since nasa Amerika na lahat ang parents at mga kapatid ni Chato, si Lala at mga anak nitong sina Marion at Ashley ang itinuturing na pamilya ni Chato kapag siya’y nagbabakasyon Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with