Rocco at Sanya susugalan
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2017 - 4:00pm

Matapos magsama sa Encantadia nina Rocco Nacino at Sanya Lopez, may follow-up project naman kaagad ang dalawa sa bakuran ng Kapuso Network na isang teleserye na may pamagat na Haplos.

Nakakitaan marahil sina Rocco at Sanya ng kakaibang chemistry kaya sila susugalan ng panibagong proyekto na silang dalawa naman ang mga panguhahing bituin.

Dennis takot sa responsibilidad kay Jennylyn?!

Kahit 36 na si Dennis Trillo at 30 naman si Jennylyn Mercado, quiet pa rin ang dalawa na may kinalaman sa kanilang paglagay sa tahimik dahil wala umano ito sa kanilang immediate plans.

Ever since magkabalikang-muli sina Dennis at Jennylyn in 2015, never naging open ang mga ito na pag-usapan ang kanilang realasyon. What you see is what you get ang drama ng dalawa.

Pero ano kaya ang pumipigil kay Dennis na mag-propose kay Jennylyn? Natatakot ba siya sa responsibilidad ng pagkakaron ng sariling pamilya o gusto lamang niyang sorpresahin ang kasintahan isa sa mga araw na ito?

Sabagay, ever since naman ay talagang quiet lang itong si Dennis pagdating sa kanyang personal na buhay laluna sa usaping puso. Ang mahalaga sa singer-actor ay masaya sila ngayon ni Jennylyn at maging ang mga tao sa kanilang paligid.

Biglang paghuhubad ni Kris Bernal pinagtatakhan

Marami ang nagtataka kung bakit biglang nahilig ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa pagpu-pose ng mga sexy shots considering na hindi naman siya mahilig sa ganito noon.

Sobra ang payat ni Kris at kailangan pa niyang magdagdag ng timbang para maging voluptuous ang kanyang dating pero napansin ng marami ang kanyang malulusog na dibdib na diumano’y hindi natural. 

Malapit nang mapanood si Kris sa isang bagong serye ng GMA, ang TV remake ng Impostora na unang ginampanan ni Sunshine Dizon. Dito ay makakasama niya sina Rafael Rosell, Ryan Eigenmann, Elizabeth Oropesa, Vaness del Moral, Aicelle Santos at iba pa.

Ang Impostora ay isa sa mga TV remakes ng GMA. Nauna na rito ang Encantadia na sinundan ng bagong simulang Mulawin vs. Ravena.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with