^

PSN Showbiz

Maymay hindi ma-explain ang nararamdaman kay Enrique!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong March 30 ay nagdiwang si Enrique Gil ng kanyang ika-dalawampu’t limang kaarawan. Naimbitihan daw ng aktor si Maymay Entratra sa birthday party kaya masayang-masaya ang Big Winner ng pinakahuling season ng Pinoy Big Brother.

Noon pa hinahangaan ng dalaga si Enrique kaya halos hindi makapaniwala na magkakakilala sila ng aktor. “Kung ikaw meron kang hinahangaan mo ng ilang taon, tapos nakita mo sa PBB pero may kamera pa ‘yon, pero nakasama mo off-cam, ano’ng maramdaman n’yo na mas nakilala mo pa siya? Sobrang saya, ‘di mo ma-explain. Parang fairytale na parang biglang nangyari,” nakangiting bungad ni Maymay.

Ngayon ay unti-unti nang nakikilala si Maymay sa show business kaya pagbubutihin daw ng dalaga ang lahat ng trabaho na ibibigay sa kanya. “Kasi pangarap ko lang tapos biglang natupad agad-agad. ‘Yung biglang dumating sa buhay ko na ganito kaagad parang napakalaking blessing, napakalaking bonus sa buhay ko,” pagtatapos ng baguhang aktres.

Robi nakamaskara ‘pag namamalengke!

Maraming natutunan si Robi Domingo mula sa naging relasyon nila ni Gretchen Ho. Umabot din ng apat na taon ang relasyon ng dating magkasintahan. May mga bagay na natutunan si Robi sa sarili dahil sa mga naging karanasan nila ng dalaga. “Because of the things that have happened, I can prove to myself that I can be really honest with myself and be honest to others. One is you should be fair to everything, fair to yourself and fair to others. I’ll be blurry with that statement pero that’s how I feel right now. And siguro just go with your passion. Kasi it will go a long way. One thing I realized din, if you love something so much in time it will love you back,” paliwanag ni Robi.

Samantala, noong isang linggo ay nag-post ang aktor sa kanyang Instagram account ng video na tumutugtog siya ng piano. Kapag walang trabaho ay ito raw ang pinagkakaabalahan ni Robi. “I’ve been doing piano covers which I post on Instagram. Nakakatuwa na people appreciate and they are learning that I can play the piano and stuff,” pahayag ng aktor.

Bukod sa pagtugtog ng instrumento ay puspusan din ang ginagawang pagpapapawis ng aktor upang mapanatiling maganda ang pangangatawan. “I’ve been playing basketball. I’ve been biking a lot. I go to Fairview kasi taga-Commonwealth ako eh kaya umaabot ako do’n ‘pag umaga. I bike by myself. Minsan naka-mask ako, namimili ako ng mangga, mga kung anu-ano sa palengke. Wala akong dalang phone, wala akong dala kahit ano except P200 kung sakaling may makita akong masarap bilhin,” nakangiting kwento ng aktor.

vuukle comment

MAYMAY HINDI MA-EXPLAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with