^

PSN Showbiz

90s movie na Magic Temple, mapapanood ulit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinahandog ng ABS-CBN Film Restoration at Powerplant Cinemas Project ang digital­ly restored at re-mastered version ng ilan sa mga pinakaminahal na pelikula sa bansa sa REELive the Classics ngayong Disyembre, sa pangunguna ng fantasy-adventure film na Magic Temple ng batikang director na si Peque Gallaga at Lore Reyes. Kasabay ng festival, ginugunita rin nito ang 20th anniversary ng nasabing pelikula.

“Masaya kami na patuloy kaming sinusuportahan ng Rockwell. Ito na ang ikalawa naming REELive the Classics restored film exhibition ngayong 2016.

Talaga namang nakita namin ang umaapaw na suporta ng mga tao sa nagdaang taon, at maging ang millennials, may kamalayan na muli kung sino sina Brocka, Bernal, Romero, de Leon, at iba pang napakahuhusay na director. Doon pa lang, masasabi kong nagtagumpay kami sa adhikain namin na makilala at mapanood ng marami pang henerasyon ang mga obrang ito,” sabi ng head ng ABS-CBN Film Restoration na si Leo Katigbak.  

Umiikot ang kwento ng Magic Temple sa mga binatang sina Jubal (Jason Salcedo), Sambag (Junell Hernando), at Omar (Marc Solis), na pawang itinakdang sagipin ang kanilang mundo na Samadhi laban sa mapanlinlang at gahaman na mangkukulam na gustong kontrolin ang mundong Samadhi. 

Bukod sa nasabing pelikula, muling itatampok sa big screen ang mga dekalibreng pelikulang Cain at Abel at Insiang ng direktor na si Lino Brocka.
Mapapanood din sa REELive the Classics ang res­tored na mga pelikula ng Star of All Seasons na si Vilma Santos na Dekada ’70, sa ilalim ng direksyon ni Chito Roño at Haplos ni Antonio Jose Reyes; Bagong Buwan na pinagbidahan ni Cesar Montano at idinirek ni Marilou Diaz-Abaya; Himala ni Ishmael Bernal, Tanging Yaman ni Laurice Guillen; Tatlong Taong Walang Diyos ni Mario O’hara; at Ganoon Kami Noon, Paano Kayo Ngayon ni Eddie Romero.

Tatakbo ang REELive the Classics mula Disyembre 7 hanggang 14 sa Rockwell Power Plant Mall. Ang ticket ay nagkakahalagang P230 at mayroon discounted price para sa estudyante na P200.
Para sa kabuuang schedule, bisitahin ang www.facebook.com/filmresto rationabscbn sa Facebook.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with