^

PSN Showbiz

KathNiel tuloy na ang hiwalayan!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi muna magsasama sa isang proyekto ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernar­do. Ito ay kahit matagumpay na tambalan nila sa Barcelona: A Love Untold. Naghahanap ang kani­lang network ng mga kasunod pang proyekto, pero bago ito ay itatambal muna sila sa iba para na rin sa growth ng kanilang mga career.

Hindi nga naman healthy ‘yung sila na lamang nang sila ang napapanood. Siyempre, kailangan ding malaman ng kanilang network kung maaari silang magtagumpay nang hindi magkasama. Kaya haha­napan muna sila ng assignments na magkahiwalay.

Wala namang tutol dito ang magka-loveteam dahil sila man ay gustong malaman kung ta­tanggapin sila ng fans na magka­hiwalay. At kung may suporta rin silang maaasahan kapag hin­­di sila magkasama sa isang proyekto.

Ibang closeness na ang na­ma­­­­magitan sa KathNiel nga­yon. Medyo mahihirapan ang si­­nu­mang susugal sa kanila na ma­bawi agad ang kanilang ka­pital. Pero napatunayan na ng dalawang may ibubuga sila kahit magkahiwalay at madadala nila ang pinagaling nilang mga talento sa susunod nilang pelikula o serye sa TV.

Na-achieve na ng kanilang pagtatambal ang kanilang kasalukuyang relasyon na hindi lamang tanggap sa kanilang mga trabaho kundi maging sa tunay na buhay.

Sunshine at bagong karelasyon nakapagladlad na!

Hindi masyadong mami-miss ng mga anak ni Sunshine Cruz ang ama nilang si Cesar Montano dahil napakabait din sa kanila at very caring ng bagong boyfriend ng kanilang ina at hopefully ay maging father figure nila na si Macky Mathay. Palagi silang kasama sa mga inaalala nito at madalas binabanggit sa kanyang social media account. Hindi na sila naglilihim at umamin na.

Habang hinihintay ng dalawa na ma­aprubahan ang kanilang annulment sa kor­te ay mas mapapalapit pa ang tatlong anak na puro babae ni Sunshine sa magiging stepfather nila.

Matteo pinaluwag ang kalooban ng mga magulang ni Sarah

Nakahinga ba ng maluwag ang mga magulang ni Sarah Geronimo sa naging pahayag ni Matteo Guidicelli na mga tatlo hanggang apat na taon pa bago sila magpakasal ng dalaga? Three years nang may relasyon sina Matteo at Sarah na lampas thirty na rin kapag natuloy ang kasal nila na sinasabi ni Matteo.

Matatawag na isang certified Cebuano na maipagmamalaki ng kanyang probinsya ang actor/car racer. Bukod sa gagawa siya rito ng isang malaking concert sa buwan ng Nobyembre, may restaurant siyang itinayo at nag-iisip pang makipag-joint venture sa mga Cebuano filmmakers. Nagtayo rin siya ng sariling production company na naglalayong magbigay ng trabaho sa mga kababayan niyang Cebuano.

James at Nadine nasa edad na para gumawa ng love scene

Ano naman kaya ang ipinuputok ng butsi ng mga nakapanood ng love scene nina James Reid at Nadine Lustre sa loob ng car, eh gabi na naman ang time slot ng Till I Met You at pareho nang mature ang mga artista na gumawa ng nasabing eksena.

Ang ikinagulat lamang ng mga nakapanood ng eksena ay hindi ang eksena mismo kundi ang JaDine ang gamawa nito. Hind pa sila sanay na mapanood ang paborito nilang loveteam na gumanap sa ganung katinding eksena. Pero nasa edad na ang JaDine at wala namang nakitang bawal sa ginawa nila. Kaya huwag nang kalampagin ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para lamang makagawa ng kontrobersya.

Zanjoe gumaling umarte pagkatapos mahiwalay kay Bea

Magaling nang artista si Zanjoe Marudo. Hindi nagdalawang isip ang pamunuan ng ABS-CBN na i-cast siya sa isang mahirap na role tulad ng ginawa niya sa Anino episode ng Maalaala Mo Kaya. Nailagay na ng dating modelo ang kanyang pagiging artista sa isang magandang estado na madali siya naika-cast kapag may mga istorya na hinahanapan ng isang magaling na artistang lalaki.

Kung noong sila ni Bea Alonzo pa ay laging pangalawa lamang siya rito pagdating sa aktingan, ngayon ay patas na sila ng ex sa galing umarte.

 

vuukle comment

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNAR­DO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with