^

PSN Showbiz

Dapat mag-sorry kay Albie, Andi consistent, takaw-kontrobersiya ang lovelife!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: An apology is in order. Dapat mag-sorry si Andi Eigenmann sa kanyang ex-boyfriend na si Albie Casiño dahil nasira ang promising showbiz career nito nang mapagbintangan na ama ng kanyang anak na si Ellie.

SCENE: Takaw-kontrobersya si Andi Eigenmann dahil madalas na nagiging isyu ang kanyang lovelife at napag-uusapan ang mga lalaki na nakakarelasyon niya.

SEEN: Mapapanood ngayon sa GMA-7 ang coronation night ng Miss World Philippines 2016. Mga host sina Richard Gutierrrez at Yassi Pressman.

SCENE: Ang panalangin ni Annabelle Rama sa kanyang patron saint na Sto. Niño na pagalingin Nito ang kanyang kapatid na babae na may karamdaman. Balak ni Rama na dalawin sa Australia ang kapatid niya.

SEEN: Ang family bonding ng mag-asawang Jolina Magdangal, Mark Escueta at ng kanilang anak na si Pele sa isang mall sa Quezon City. Hindi nawawalan ng oras si Jolina para sa kanyang mag-ama.

SCENE: Nagustuhan ng LGBT community ang trailer ng The Third Party, ang coming soon movie nina Angel Locsin, Sam Milby at Zanjoe Marudo sa Star Cinema.

SEEN: Dapat alagaan ni Antoinette Jadaone ang mga anggulo ni JC Santos sa Till I Met You dahil may mga unflattering shot ang third wheel sa love team nina Nadine Lustre at James Reid sa teleserye ng ABS-CBN.

SCENE: May dapat ikabahala si Bernard Pa­lanca dahil malapit ang anak nila ni Jerika Ejercito sa bagong boyfriend nito. Pareho ang kapalaran nina Bernard at Paulo Avelino dahil close ang anak nito kay Paolo Contis, ang boyfriend ni LJ Reyes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with