^

PSN Showbiz

Male personality nagbunga ang pagpapapansin sa PTV 4!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ako lumabas ng bahay kahapon dahil inabangan at tinutukan ko ang State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte.

Maaga pa lang, naka-on na ang television set ko sa PTV 4, ang government- owned-television network dahil kumpleto ang balita nila, kahit hindi ko masyadong kilala ang kanilang mga anchor.

At dahil nakatutok ako, napansin ko na panay ang papansin ng isang male personality sa mga anchor ng PTV4 as in daan siya nang daan sa harap ng mga TV camera.

‘Yun pala, type lang niya na magpa-interbyu at nagtagumpay naman ang kanyang balak dahil pinag-aksayahan siya ng panahon ng mga anchor.

Kahit mahaba ang speech, SONA ‘di boring

Para akong nanood ng isang stand up comedy act habang nagde-deliver si Papa Rody ng SONA dahil tawang-tawa ako sa mga sinasabi niya.

Hindi nangyari ang sinabi ni Palace Communications Secretary Martin Andanar na 38-minutes lang ang speech ni Papa Rody dahil sa dami ng mga adlib nito. Lampas sa isang oras ang SONA niya ‘ha?

Kahit mahaba ang speech ni Papa Rody, hindi siya nakakainip na panoorin dahil sa kanyang mga funny adlib at facial expressions.

Napansin ko na hindi sanay si Papa Rody na may binabasa ito sa teleprompter  at mas mahusay siya na magsalita kapag hindi scripted ang kanyang mga sinasabi.

Mas effective siya kapag nagsasalita na parang nakikipagkuwentuhan  lang sa mga tao na kaharap niya.

Noynoy hindi nami-miss!

Ang gandang pagmasdan sa TV na magkakatabi sa upuan ang mga dating pangulo ng Pilipinas, sina former Presidents Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

No-show si Noynoy Aquino na noon pa nagsabi na hindi siya makakadalo at panonoorin na lang niya sa TV ang SONA ni Papa Rody.

I’m sure, na-feel ni Noynoy na hindi naman na-miss ng mga tao ang presence niya sa SONA.

Nagbunyi ang mga grupo ng militante dahil pinayagan sila ng PNP na makalapit sa Batasang Pambansa na first time na nangyari. Hindi nagprotesta ang mga militante dahil nagpunta sila sa Batasang Pambansa bilang suporta kay Papa Rody.

Showbiz tumutok din

In fairness sa mga artista, pinanood din nila ang SONA ni Papa Rody at nag-cheer sila sa sinabi ng pangulo na magkakaroon ng libreng wi-fi sa mga public park, train stations, ospital at schools.

Imposible na walang napa-ouch sa pralala ni Papa Rody na hindi niya sisisihin ang nakaraang administrasyon sa mga kaguluhan na nangyayari ngayon sa bansa natin.

Hindi lahat sumunod sa pakiusap, ilang dumalo sa SONA agaw-eksena

Hindi nasunod ang sinasabi na mga simple at hindi bonggang damit ang isusuot ng mga invited guest sa SONA ni Papa Rody dahil sa mga bisita natakaw-pansin ang gowns.

Simpleng-simple ang Barong Tagalog ni Papa Rody as in mas bongga pa ang mga Barong Tagalog na suot ng mga senador at kongresista.

Sa true lang, mas maganda pa nga ang pang-itaas ni Executive Assistant Bong Go kesa sa damit ni Papa Rody.

Simple pero elegant ang mga damit ni Congresswoman Vilma Santos-Recto at Gretchen Barretto. Gandang-ganda ako kay Congresswoman Yedda Marie Romualdez, ang misis ni former Congressman Martin Romualdez. Ex-beauty queen si Yedda pero hanggang ngayon, beauty queen na beauty queen pa rin ang aura niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with