^

PSN Showbiz

Young actor lakas loob na inamin na mahilig i-video ang sarili pag pinaliligaya Vic at Pauleen, ginawa lahat sa Maldives para makabuo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Pinilit pa rin ni Solenn Heussaff na dumalo sa premiere night ng Love is Blind na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall  kamakalawa ng gabi.

Kahit sa gitna ng rehearsal ng Fantaisie concert nila ni Lovi Poe, kailangang present daw siya sa premiere night dahil excited din siyang mapanood ang pelikula nila ni Derek Ramsay.

Bagay na bagay ang dating magkasintahan sa pelikula, pero riot ang partisipasyon ni Kiray Celis sa pelikula at tuwang-tuwa ang lahat sa kanya. Kaya excited na sina Mother Lily at Roselle Monteverde na bigyan ng launching movie si Kiray.

Isusunod na nga raw nila ang I Love You To Death na pagbibidahan ni Kiray. Ito na nga raw ang tamang panahon para sa kanya. Mapapanood sa LIB kung bakit susugalan ng Regal Films ng launching movie si Kiray. Sa Miyerkules na ang showing ng Love is Blind.

PAK: Inamin sa amin ng guwapitong young actor na may mga sex video siya pero kaagad daw niyang binubura. Trip lang daw niyang kunan ang sarili kapag may ginagawa siyang ikaliligaya niya, pero hindi raw niya pinatatagal, pagkatapos daw niyang panoorin, binubura niya na agad.

Hindi namin ma-gets, kaya tinanong namin bakit pa niya ginagawa ‘yun. “Siyempre, okay din minsan pinapanood mo ang sarili mo. Wala naman akong girlfriend ngayon, kaya ako na lang,” may kalandiang tsika sa amin ni young actor.

Tinitiyak niyang ang kumalat dati na sex video niya ay hindi raw kanya, dahil wala raw siyang nai-share sa mga nagawa niyang sex video.

BOOM: Sa Lunes na ang balik ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna mula sa ilang araw na honeymoon nila sa Maldives.

Updated naman ang fans nila sa kanilang honey­moon dahil nagpu-post si Pauleen sa kanyang Instagram account.

Ipinost niya kahapon ang litrato nila ni Bossing Vic bilang one week na raw silang husband and wife.

Sa ilang palitan ng text namin ni Pauleen, sinasabi niyang gustung-gusto na raw nilang magka-baby, kaya sana makabuo na raw sila sa kanilang honeymoon.

Pagbalik ng bagong kasal ay balik-Eat Bulaga agad sila dahil pansamantalang nagpaalam naman si Sen. Tito Sotto na magsisimula na ng kanyang pangangampanya.

Ang isa pang gustong pagkaabalahan ni Pauleen ay ang pag-aayos daw ng kanilang bagong bahay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with