Diego ‘pinatay’ dahil kay Sofia!
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

In touch pala ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga, Cesar’s son by actress Teresa Loyzaga.

Kaya somehow, alam ni Cesar na over at the Kapamilya Network, Diego is one among their young talents na malaki ang potential na maging top leading man.

Already, there are talks that he will soon do a lead role opposite another young female talent ng Kapamilya, si Sofia Andres.

Hindi pa matiyak kung movie o TV series ang pagsasamahan nilang dalawa. Bagama’t bulung-bulungan na ito raw ang dahilan kung bakit kinailangang ‘patayin’ na siya sa Pangako Sa ‘Yo, yes the series where he was proving na sana to be a threat sa pag-iibigan nina Angelo (Daniel Padilla) at Yna (Kathryn Bernardo).

Diego in Pangako… played David, the adopted son ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria).

Of his current relation naman sa soon-to-be ex-wife ng kanyang ama, si Sunshine Cruz, balitang ayos na ang kanilang samahan. As in one interview, hangang-hanga si Sunshine kay Diego, dahil ipinasyal daw nito ang kanyang tatlong kapatid na babae with Sunshine.

Well, take a bow, Teresa, since you brought up your son well.

Tunay ngang ipagmamalaki siya ng kanyang ama.

Teresa gusto ng matitinding role

Speaking of Teresa, she regrets na malapit nang matapos ang kanyang current series na Pasion de Amor.

Tiyak daw na mami-miss niya ang co-stars nila, lalo na sina Arci Muñoz, Ellen Adarna, at Coleen Garcia, na gumanap bilang kanyang mga anak.

Teresa considers her role in Pasion… as ultra challenging, dahil may pagkakontrabida ito.

Wish daw ni Teresa na sa kanyang susunod na assignment kasing tindi ng role niya sa Pasion, if not more pa ang pagka-challenging.

Pia binasahan ng Feng Shui expert

Do you know that as Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach, during her entire reign she will be staying in a plush apartment in New York, right in the heart of Fifth Avenue?

Pia, we heard, sometimes cook the food she eats. Which reportedly is not a problem to her, as she is a graduate of Culinary Arts from the Center for Asian Culinary studies.

Isa raw sa paboritong lutuing Pilipino ni Pia ay, you guessed right, adobo.

Pero, mahilig din daw siya sa gulay.

Of her lovelife, a Feng Shui expert said, malayong umibig lalo’t ma-involve si Pia with anyone, this year.

Na hindi kataka-taka, kung sabagay, since magiging very busy nga naman siya fulfilling her duties as Miss Universe.

ACIRC AMOR POWERS ANG ARCI MU ASIAN CULINARY CESAR MONTANO COLEEN GARCIA FENG SHUI MISS UNIVERSE PASION TERESA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with