^

PSN Showbiz

Parang Pinoy protesters Effigy ni Pia sinunog ng mga Colombian!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bitter loser ang mga Colombian na hindi matanggap na si Pia Wurtzbach ang tunay na Miss Universe winner.

Nag-move on na si Miss Colombia Ariad­na Gutierrez sa kahihiyan na inabot niya sa coronation night ng Miss Universe pero hindi ang kanyang mga loser na kababayan.

Sinunog ng mga bitter Colombian ang effigy ni Pia sa pagpasok ng 2016.

Parang mga Pinoy pala ang mga Colombian dahil masyado nilang sineseryoso ang mga beauty pageant.

As if naman, makakatulong sa ekonomiya ang kanilang mga ginagawa.

At least, made na talaga si Pia dahil affected na affected sa kanya ang mga kababayan ni Ariadna.

Droga wala talagang magandang epekto Natalie Cole nag-babu na!

Kasama ang mga Pilipino sa nagluluksa dahil sa pagpanaw ng singer na si Natalie Cole noong December 31.

Matagal nang may karamdaman si Natalie na huling bumisita sa bansa noong August 2015 dahil kabilang siya sa mga special guest ni David Foster sa concert nito sa Araneta Coliseum.

Ito ‘yung concert na binigyan ng standing ovation si Charice na special guest din sa show ni David.

Sumakabilang-buhay man si Natalie, mananatiling buhay sa alaala ng lahat ang kanyang mga unforgettable song gaya ng Starting Over Again, Miss You Like Crazy at Unforgettable.

Makulay at masalimuot ang showbiz life ni Natalie na hindi idine-deny na nalulong siya noon sa paggamit ng illegal drugs.

Aral sa lahat ang nangyari kay Natalie na wala talagang naidudulot na mabuti sa katawan at sa buhay ang droga.

Maine nanginig nang kantahan si Alden

Star na star kahapon si Alden Richards sa birthday celebration niya sa Eat Bulaga dahil iniukol sa kanya ang buong show ng number one noontime show.

Umapaw ang fans sa Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga dahil sa kagustuhan nila na makita nang personal si Alden sa 24th birthday nito.

Kilig na kilig ang fans ng AlDub sa kanta na inihanda ni Maine Mendoza kay Alden.

Nanlamig ang kan­yang mga ka­may habang kinakantahan ang birthday boy.

Nagpasalamat si Maine kay Alden dahil naging bahagi siya ng buhay ng aktor. Ang sey niya, sa rami ng mga tao sa Pilipinas, sila pa ang pinagtagpo ng Diyos para matupad ang kanilang mga pangarap.

Tito Sen at Mama Helen, may selebrasyon din

Kahapon din ang wedding anniversary nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Number one star noon si Mama Helen nang magpakasal sila ni Tito Sen.

Uso pa noon ang mga pagtatanan kaya big news ang pagpapakasal nina Mama Helen at Tito Sen.

Joey hindi nakalimutang i-greet ang anak-anakan

Absent pa rin si Joey de Leon sa Eat Bulaga dahil nagbabakasyon sila ng kanyang pamilya sa Amerika.

Kahit nasa ibang bansa siya, hindi nakalimutan ni Papa Joey na i-greet ng happy birthday si Alden na isa sa mga anak-anakan niya.

Hangang-hanga si Papa Joey sa ugali ni Alden dahil mabuting anak ito.

“Sa isang mabait, masipag, mapagmahal sa mag-anak, mapagbigay at maka-Diyos na Richard...Mabuhay ka!” ang birthday message ni Papa Joey para kay Alden.

Kasama ni Papa Joey ang asawa at mga anak niya. Naging tradisyon na nila na ipagdiwang sa ibang bansa ang bagong taon.

Babalik ngayong linggo sa Pilipinas si Papa Joey dahil hindi siya puwedeng mag-absent sa taping namin para sa CelebriTV.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ANG

DAHIL

EAT BULAGA

MAMA HELEN

MGA

MISS UNIVERSE

NATALIE

PAPA JOEY

TITO SEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with