YanDre loveteam may ingay na!
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2015 - 9:00am

Trailer pa lamang ang napapanood sa Girlfriend for Hire na magtatampok sa unang pagkakataon kina Yassi Pressman at Andre Paras bilang mga bagong bida ng Viva, pero ganito kaaga ay umaagaw na sila ng pansin sa mga tagahanga.

Marami nga ang naniniwala na bibigyan nila ng ma­lakas na laban ang mga kasalukuyang naghaha­ring loveteam natin.

Sana nga para magkaro’n naman ng mga bagong mukha sa showbiz.

Kris may pinagtataguan kaya dumayo sa Hawaii?

Nakakapagluto raw si Kris Aquino sa Hawaii. Maski andito naman siya ay nakakapagaluto siya para sa sarili niya’t mga anak, ‘di ba?

Bakit kailangang dumayo pa ng ibang bansa? ‘Di naman naiiba ang scenery ng Pinas sa Hawaii. Hayyyy, may pinangtataguan lamang marahil ang presidential sister, kung hindi tao ay damdamin.

Samantha Lopez may puwang pa kaya sa showbiz?

Nasa bansa si Samantha Lopez at susubok na naman daw siya sa showbiz. Sana nga ay palaging may puwang sa showbiz ang marami na­ting nagbabalikang artista, kung anumang dahilan meron ang kanilang pagbabalik.

Direk Erik mas abala sa laban ng Honor… kesa sa Darna

May bagong Darna na nga ba, Nitz M.? Ipakilala mo nga siya sa akin at interesado ako.

Biruin mo, nakahanap na rin ng kapalit si Angel Locsin na matatagalan pa bago makalipad sa ere dahil sa kanyang back injury.

Kayo namang fans, tigilan n’yo na si Direk Erik Matti. Ang dami pa niyang problema para isingit n’yo ang Darna. Tulungan n’yo na lang muna siya sa kanyang laban sa Honor Thy Father, pwede?

ACIRC ALIGN ANDRE PARAS ANG ANGEL LOCSIN DARNA DIREK ERIK LEFT QUOT SAMANTHA LOPEZ STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with