^

PSN Showbiz

Maine mas gustong pagpahingahin si Alden kesa sundan siya sa Japan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Napag-uusapan ngayon na balak daw i­sapelikula ang buhay ng dating First Lady Imelda Marcos.

Ang magpu-produce kaya nito ay ang pamangkin niyang si Cong. Martin Romualdez?

Noon pa man ay close na si Cong. Romualdez sa ilang taga-showbiz, kaya cool na cool siya nang humarap sa movie press kamakailan lang.

Pagkatapos ng bagyong Yolanda, ang dami nang nag-produce ng pelikulang tumatalakay sa naturang trahedya. Pero so far, ang nagustuhan daw niyang pelikula ay ang gawa ni direk Brillante Mendoza na Taklub.

Sabi niya, malaking bagay din daw ang pagpapalabas ng naturang pelikula sa ibang bansa kaya may nakakarating na tulong at hanggang ngayon ay mayroin pa rin daw gustong magbigay.

“Maganda ang pelikula na kahit medyo malungkot pero nagkaroon ng international awareness,” pakli ng senatoriable na si Cong. Romualdez.

 “Eh hanggang ngayon sa DSWD mahigit 300 million cash donations ay nandun pa sa mga bank accounts ng DSWD for Yolanda victims alone. Hindi pa ibinigay. Kaya nagtataka kami bakit hanggang ngayon, nandun pa!”

PAK: Sa rami ng mga eksenang lampungan nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado sa pelikulang Walang Forever, duda namin ay baka mag-react daw ang asawa ng Kapamilya actor.

Natawa na lang si Echo dahil hindi raw ganun ang asawa niya.

Pahayag ng aktor, “My wife knows I’m a professional actor. Wala kaming discussion sa mga ganyan. We don’t entertain questions like this kung magseselos ba siya o ganun-ganun. Baka mas iba ‘pag siya pa ang gumawa ng pelikula, baka ako pa ang tanungin n’yo. Nakilala na niya na artista ako eh. I think she would react if I did a bad job.”

Kapani-paniwala kasi talaga ang mga intimate scene nila sa screen na parang magdyowa talaga sila.

BOOM: Pagkatapos pala ng parada ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kamakalawa ng hapon ay lumipad na si Maine Mendoza patungong Japan.

Matagal na raw nilang napagplanuhang pamilya na doon sila magpa-Pasko.

Ang sabi noon ni Alden Richards, baka sumunod daw siya. Pero sabi ni Maine, mas gusto niyang magpahinga na lang ang ka-loveteam niya. Iyun lang daw ang tamang panahong makasama niya ang kanyang pamilya. Kaya hintayin na lang daw ang pagbalik niya.

Hindi rin magtatagal si Maine sa Japan dahil kailangan nandito na raw siya bago ang kaarawan ni Alden sa January 2.

Doon na raw siya bibili ng Christmas gift niya kay Alden dahil hindi pa raw ‘yung shades na nakalagay sa pitsel ang kanyang totoong regalo.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BRILLANTE MENDOZA

DAW

FIRST LADY

IMELDA MARCOS

JENNYLYN MERCADO

JERICHO ROSALES

KAYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with