^

PSN Showbiz

Kim at Xian, nagpakilig sa madlang pipol sa grand fans day

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang engrandeng grand fans day ang inihandog ng Jeepney TV at Cinema One tampok ang tambalang KimXi nina Kim Chiu at Xian Lim para sa cable TV premiere ng kanilang top-rating teleserye na Ina, Kapatid, Anak, at Past Tense kahapon sa SM San Mateo.

Nagpakilig muli ang love team nina Kim Chiu at Xian Lim, na isa pa rin sa mga hottest love teams ng bagong henerasyon mula alas-4 ng hapon sa kanilang mga fans para sa pasabog na cable TV premiere ng Ina, Kapatid, Anak sa Jeepney TV at ang pag-ere ng kanilang Star Cinema film na Past Tense sa Cinema One sa Setyembre 27.

Matatandaang ang Ina, Kapatid, Anak ang isa sa mga tinutukang teleserye noong 2012. Maliban kina Kim Chiu at Xian Lim, bida rin dito sina Maja Salvador at Enchong Dee. Ang Ina, Kapatid, Anak ay umeere sa Jeepney TV tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7 p.m.

Samantala, ang Past Tense naman na pinagbidahan nina Kim at Xian noong nakaraang taon ay isang romantic-comedy movie kasama ang comedy queen na si AiAi delas Alas.

Ang Jeepney TV ang tahanan ng timeless TV shows na malapit sa mga puso ng mga Pilipino. Layunin nito na magbigay sa cable TV viewers ng kakaibang TV viewing experience sa pamamagitan ng pag-ere ng classic TV shows mula sa iba’t ibang TV eras. Isa ang Jeepney TV sa cable channels ng Creative Programs, Inc. (CPI), isang subsidiary ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang detalye, pumunta sa official Facebook pages ng Jeepney TV (facebook.com/Jeepney TV) at ng Cinema One (facebook.com/Cinema1channel). Ang Jeepney TV ay napapanood sa SkyCable Channel 9 at Destiny Cable Analog 41 and Digital 9.

Samantala, sa SkyCable Channel 56 at Destiny Cable Analog 37 at Digital 57 napapanood ang Cinema One.

vuukle comment

ANAK

ANG

ANG JEEPNEY

CINEMA ONE

DESTINY CABLE ANALOG

INA

JEEPNEY

KAPATID

KIM CHIU

PAST TENSE

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with