^

PSN Showbiz

Lovi at Heart may kailangang pag-usapan!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Engrande ang kasalan nina Joyce (Lovi Poe) at Lawrence Castillo (Benjamin Alves). Handa na si Lawrence na tanggapin si Joyce bilang kanyang asawa pero tila nag-aalangan si Joyce. Lalo na ng makita ni Joyce si Noel (Rocco Nacino) na dumalo ng kasalan. Tila malaking parte si Noel ng nakaraan niyang pilit na tinatakasan.

Lingid sa kaalaman ng mga ikakasal ay isang lalaki sa ikalawang palapag ng simbahan ang umaasinta kay Joyce. Bago pa man makalabit ng lalaki ang gatilyo ng baril ay mabibitawan ni Joyce ang mga bulaklak na hawak.

Mabilis na magbabalik ang madilim na mga alaala ni Joyce. Uurong si Joyce sa sariling kasal. Sa isang tingin ay patitigilin din ni Alejandra (Dina Bonnevie) ang lalaki sa pag-asinta kay Joyce. Sa paglabas ng simbahan ni Joyce ay sasalubungin siya ng isang babae, si Kristine (Heart Evangelista), kasama ng kanyang amang si Ro­naldo (Christopher De Leon).

Isang matinding kumprontasyon ang magaganap sa pagitan nina Kristine at Joyce na magbabalik sa kanila sa kani-kanilang nakaraan. Paano nga ba humantong ang lahat sa tagpong ito? Paanong ang magkahiwalay na mga buhay nina Joyce at Kristine ay nagkatagpo?

vuukle comment

ACIRC

ANG

BENJAMIN ALVES

CHRISTOPHER DE LEON

DINA BONNEVIE

HEART EVANGELISTA

JOYCE

KRISTINE

LAWRENCE CASTILLO

LOVI POE

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with