^

PSN Showbiz

Kris gandang-ganda sa sarili!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Willie Revillame ang pinarangalan ng YES! magazine bilang highest selling na issue sa loob ng 15 years na pamamayagpag ng naturang showbiz magazine.

Mahaba ang acceptance speech nito na nagbigay pa ng pangaral sa mga kapwa artista na dapat mag-ipon, at mag-invest habang kumikita pa ang mga ito.

Pero ang isyung huling episode na raw ng Wowowin nung nakaraang Linggo ay hindi pa deretsahang sinagot ni Willie.

Abangan na lang daw ang susunod niyang announcement isa sa mga araw na ito.

PAK: Isa sa nakaw-eksena sa 15th anniversary celebration ng YES! magazine ay ang pagkikita nina Marian Rivera at ng Kapamilya fan niyang si Alexa Ilacad.

Emotional si Alexa nang makita ang matagal na niyang idol.

Pangaral ni Marian kay Alexa ay mahalin ang trabaho at ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Doon din sa naturang event ay ibinahagi ng mag-asawang Dingdong at Marian Dantes na meron na raw silang 4D Ultrasound ng kanilang first baby at nakikita raw nilang kamukha ng aktres ang kanilang baby girl.

Meron na raw silang naisip na pangalan, pero saka na raw nilang sabihin.

BOOM: No show naman si Kris Aquino sa YES! magazine party na napiling cover girl sa YES! Most Beautiful party! Family first daw muna dahil kailangan daw niyang dumalo sa intimate party para sa kanyang Kuya P-Noy pagkatapos ng kanyang huling SONA.

Nag-post na lang si Kris sa kanyang Instagram account, at ang sabi nito; “Happy 15th anniversary. You gave me a singular honor & I am eternally grateful, how I wish I could be partying with u—ano ba SOBRANG NAKAKAKILIG to be called BEAUTIFUL at 44! But tonight’s my only brother’s night, and we’re with him for an intimate gathering of family & his closest friends & co-workers. Alam kong once in a lifetime and YES Most Beautiful covers na ‘to, and just how blessed I am, kung alam ‘nyo lang how our photo sessions restored my self-esteem, pero priority ko to be with my family. Sana wag kayong magtampo #YesTeam.”

Sa isang post niya ay binanggit niya uli ang pagpapasalamat sa YES! Most Beautiful pero hiniram niya ang hashtag ni K Brosas na #GandangWalangNakikinabang, at dinugtungan niya ng “ako?” at may hashtag pang karugtong na #JokeLangPo at #InGodsPerfectTime.

vuukle comment

ACIRC

ALEXA

ALEXA ILACAD

ANG

K BROSAS

KRIS AQUINO

KUYA P-NOY

MARIAN DANTES

MARIAN RIVERA

MOST BEAUTIFUL

SI WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with