^

PSN Showbiz

Sunshine nangungutang ng pang-upa sa bahay!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Painit na nang painit ang mga eksena sa Pari Koy ng GMA. Nakita ni Simon (Carlo Gonzalez) ang mga gamot para sa sa­kit niya pero hindi sinabi ni Tasing (Odette Khan) ang totoo na pumunta doon ang mag-ina niya at pinabigay ang mga gamot.

Pag-uwi naman ni Noemi (Sunshine Dizon) at Sarah (Jillian Ward) sa bahay nila ay inabutan nila na hinahakot na ng kasera nila ang mga gamit nila dahil sa hindi pagbabayad ng upa. Pinaalis sila ni Meding.

Ipinagdasal ni Pari Koy (Dingdong Dantes) na mabigyan sila ng bagong pag-asa dahil sa karamdaman na hinaharap ni Michelle (Carla Abellana).

Tutuloy muli ang mag-inang Noemi sa bahay ni Maggie (Cathe­rine Remperas).

Binabasahan ni Michelle ng story si Pinggoy (David Remo) nang itanong nito na kung naniniwala pa siya na pagagalingin siya ni Kuya.

Lalapit si Noemi kay Malou para mangutang pero hindi siya pauutangin nito dahil may utang pa raw si Simon. Nasa manukan si Simon nang biglang maalala ang mag-ina niya at nahihiya raw itong tawagan man lang si Noemi dahil aayusin muna raw niya ang sarili.

Magkikita sa park sina Michelle at Joshua kasama si Pinggoy at ang Lola Conching niya at malalaman nila na may sakit si Tita Michelle nya.

Habang nagsasara si Kokoy ng bintana bago matulog ay matatanaw niya si Jude (Gabby Eigenmann) sa labas pero wala na ito nang kanyang puntahan.

Humingi ng tulong si Noemi kay Salome (Dexter Doria) upang makabayad sa mga utang pero kulang pa rin ang napahiram nito.

Dinalaw ni Pari Koy si Jude sa kulungan at ibinalita ang tungkol sa sakit ni Michelle. Maiiyak na lang si Jude sa galit at mukhang hindi na ito naniniwala na may Diyos.

Palihim na makikipagkasundo kay Malou si Sarah upang mamasukan para makabawas sa mga utang nila.

Ibibilin ni Michelle ang mga ginawang sulat para kay Pinggoy hanggang sa paglaki nito. Maiisipan din nilang mamasyal upang makitang masaya si Pinggoy. Ibinilin din ni Michelle na alagaang mabuti ni Kokoy ang anak nila.

Makakabasag ng plato si Sarah sa bahay ni Malou kaya masasaktan niya ang bata.

ACIRC

ANG

CARLA ABELLANA

CARLO GONZALEZ

DAVID REMO

DEXTER DORIA

MALOU

MICHELLE

NOEMI

PARI KOY

PINGGOY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with