^

PSN Showbiz

Sharon sobrang nae-enjoy ang Your Face...

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Hindi nagkamali si Sharon Cuneta sa  pagtanggap niya sa offer na maging  judge ng Your Face Sounds Familiar dahil pinaliligaya siya nang sobra ng show. Ang halakhak ni Sharon ang madalas na naririnig sa background habang kumakanta ang mga performer.

SCENE: Rebelasyon si Karla Estrada sa Your Face Sounds Familiar dahil ipinakikita niya ang husay sa comedy at pagkanta.

SEEN: Sawsawera ang tawag kay Aubrey Miles dahil sa panggagaya niya sa paghahanap ni Melissa Mendez ng ulap habang sakay siya ng eroplano mula sa Davao.

SCENE: Pinaglalaruan  si Melissa Mendez ng mga tao dahil sa fascination niya sa mga ulap. Future subject si Melissa ng mga gag show.

SEEN: Hindi gaanong pinag-usapan ang love triangle nina Alex Castro, Jef Gaitan, at Sunshine Garcia dahil sa kanilang  “starlet status” sa entertainment industry.

SCENE: Nabasa ng ulan ang One Direction at ang mga nanood ng second night ng concert nila sa Mall of Asia Concert Grounds noong Linggo. Hindi naging dahilan ang ulan para iwanan ng fans ang concert ng One Direction. Nagkasakit at nabasa ang cellphone ng ilang nanood na hindi nagpaghandaan ang ulan noong linggo ng gabi.

Binawalan ng mga bouncer na magbukas ng payong ang mga bata kaya nabasa sa ulan maging ang kanilang mga dalang cell phone.

SEEN: Ginunita ng Martinez at Muhlach families  noong Linggo ang 9th day ng pagpanaw ni Liezl Martinez, ang kanyang 48th birth anniversary at ang 23rd birthday  ni Alissa, ang bunsong anak nila ni Albert Martinez.

SCENE: Malaki ang tsansa ni Lola Biritera Felicitas  Garcia na magtagal bilang contestant ng Asia’s Got Talent kung hindi niya kasama si Roadfill Sparks ng Moymoy Palaboy.

SEEN: Kung talagang gusto ni Roadfill Sparks na magtagumpay si Felicitas Garcia sa Asia’s Got Talent, susundin niya ang kagustuhan ni David Foster na magsolo ang Pinay singer at hindi ang personal na interes ang kanyang paiiralin. Kasali si Foster sa apat na hurado ng Asia’s Got Talent.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ALEX CASTRO

GOT TALENT

MELISSA MENDEZ

ONE DIRECTION

ROADFILL SPARKS

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with