^

PSN Showbiz

Spotted sa binyag ng anak ni Dimples Matteo at Sarah nadadalas na ang pagrampang magkasama

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Spotted na magkasama sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa binyag ng anak ni Dimples Romana kahapon.

Balitang kasama ni Matteo na nagninong sa binyagan sina Luis Manzano and Xian Lim. Naging ninang naman sina Anne Curtis, Julia Montes at Kris Aquino.

Last week lang ay nakitang sweet na sweet sina Matteo at Sarah sa concert ng singer na nagpasikat ng kantang Thinking Out Loud na si Ed Sheeran sa Araneta. Parang makakawala ang hawak ni Matteo kay Sarah that night na kumalat sa social media.

Pero this May ay may series of concert si Sarah sa Canada. Siguro naman hindi niya puwedeng samahan si Sarah. Lagot siya. Hahaha.

‘Panget…’ James at Nadine naka-one year na

Isang taon na ang loveteam nina James Reid and Nadine Lustre. Yup, how time flies. Imagine, parang kailan lang nang ipalabas ang launching movie nilang Dairy ng Panget pero nakakaisang taon na pala ‘yun. Hindi pa man sila parehong kilala noon pero dama ni Mr. Vic del Rosario na sila ang perfect pair for the story ng Wattpad. Hindi nagkamali ang big boss ng Viva Group of Companies. Pumatok ng husto ang pelikula at doon na sila nakilala at sumikat talaga. Bago ang Diary ng Panget, member lang ng Pop Girls si Nadine at struggling actor si James matapos manalo sa PBB (Pinoy Big Brother) ng ABS-CBN.

Ngayon isa na sila sa hottest love teams at mabilis ang arangkada ng career nila.

Kaliwa’t kanan ang endorsement nila at may kanya-kanya na rin silang album. Sa Jollibee commercial lang, ang lakas ng dating nila at si James naipakita ang bonggang abs sa Century Tuna endorsement niya.

Soon, eere na rin ang serye nilang On The Wings of Love na ididirek ni Dan Villegas ng matagumpay na  pelikulang English Only, Please.

Pero ang pelikula nilang Para sa Hopeless Romantic ay may nire-shoot na part kaya na-delay daw ang showing ayon sa insider ng Viva Films.

Ngayon ay kapwa abala ang dalawa sa promo ng kanilang individual album. Parehong patok na patok sa YouTube ang music video ng kanilang mga kanta.

Annabelle at nanay ni Sarah, nagkaayos na

Mabuti naman at nagkaayos na ang magbalaeng hilaw na sina Annabelle Rama at Esther Lahbati kahapon sa VIP launching ng mga dinisenyong damit ng mga anak ni Ruffa na sina Lorin and Venice Bektas katuwang ang sikat na designer na si Rajo Laurel, Love 2 Collection. Ayon sa kuwento ng publicist ng pamilya Gutierrez na si Jun Lalin nang dumating ang nanay ni Sarah ay dumiretso ito sa may kinauupuan ni Annabelle sa advice na rin ni Jun. Pagdating daw nito sa kinauupuan ni Annabelle, Eddie Gutierrez, Baby Zion and Richard agad nitong binati ang mag-anak na tinanggap ni Annabelle.

Ayun nga all is well that ends well. Nagsimula sa binyagan ng kanilang apo ang isyu sa dalawang nanay nang alukin ni Tita Annabelle si Aling Esther na mag-uwi ng natirang handa. Na-misinterpret ‘yun ng nanay ni Sarah at nag-deklarang hindi siya patay-gutom.

Parehong nagpapasalamat sina Richard at Sarah at nagkaayos na ang kanilang nanay.                           

vuukle comment

ALING ESTHER

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

ANNE CURTIS

BABY ZION AND RICHARD

CENTURY TUNA

MATTEO

PANGET

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with