^

PSN Showbiz

Andi at Jake nagkabalikan na naman?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Marami ang naniniwala na muling nagkabalikan ang on-and-off ex-sweethearts na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito dahil sa mga naka-post nilang litrato sa Singapore.

Hiwalay na umano si Jake kay KC del Rosario at si Andi naman ay hindi rin stable ang relasyon sa ex-PBB (Pinoy Big Brother) housemate na si Bret Jackson.

Four years ding naging magkasintahan sina Andi at Jake bago ang kanilang huling break-up.

Empress gustong ‘subukan’ kung magiging tama ang mali

Kung karamihan ng mga Kapuso stars ay nagsisilipatan sa ABS-CBN, kakaiba naman si Empress Schuck dahil mula ABS-CBN ay isa na siyang Kapuso ngayon.

Si Empress ay mapapanood sa bagong afternoon TV series ng GMA, ang Kailan Tama ang Mali na pinamamahalaan ni Gil Tejada at tinatampukan din nina Max Collins, Dion Ignacio, Geoff Eigenmann at iba pa.

Alonzo inaasahang masusungkit ang dating role ng ama sa Darna

Dalawang pelikula ang nakatakdang gawin ni Angel Locsin sa taong ito under Star Cinema, one with Star for All Seasons na si Vilma Santos at ang isa naman ay ang movie remake ng Darna na tatlong beses noon ginawa ng nanay ni Luis Manzano at ginawa rin ni Angel sa telebisyon noong siya’y nasa bakuran pa ng GMA.

Kung ang dating Child Wonder na si Niño Muhlach ang isa sa mga gumanap na Ding sa Darna movie ni Vilma Santos noon, marami ang umaasa na sana’y ang anak ni Niño na si Alonzo Muhlach ang makasama ni Angel sa Darna movie nito na nakatakdang idirek ni Erik Matti and to be line-produced ng Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at Erik Matti.

Toni wala pang planong ‘tumahimik’

Not everybody knows na 13 taong gulang pa lamang noon si Toni Gonzaga nang siya’y sumali sa now-defunct singing contest noon ng GMA, ang Tanghalan sa Kampeon hosted by Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales at ang yumaong komedyante na si Bert `Tawa’ Marcelo in 1997. Ito rin ang singing competition na sinalihan noon nina Kyla at Faith Cuneta. Earlier, noong ito’y Bagong Kampeon pa ay naging grand champion naman ang 12-year-old pa noong si Chona Velasquez na mas kilala ngayon bilang Regine Velasquez.

Malayo na talaga ang narating ni Toni, fifteen years later na unang nakilala ng publiko sa pamamagitan ng commercial with Piolo Pascual in 2001.

At 31, mukhang malapit na ring lumagay sa tahimik ang ate ni Alex Gonzaga at proposal na lamang mula sa longtime boyfriend nitong si Paul Soriano ang hinihintay.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALL SEASONS

ALONZO MUHLACH

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANGEL LOCSIN

DARNA

ERIK MATTI

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with