^

PSN Showbiz

Anak ni Piolo kabado, hindi maka-relaks sa kanilang pelikula

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung malaya lamang ngayon si Sen. Jinggoy Estrada, tiyak na mag-o-all-out ito ng suporta sa kanyang teenage son na si Julian Estrada.

Si Julian ay isa sa mga lead character ng kilig movie na Relaks It’s Just Pag-ibig na launching movie ng teenage son ng matinee idol na si Piolo Pascual na si Iñigo Pascual along with teen actress Sofia Andres na magkatulong na dinirek ng mga baguhang director na sina Antoinette Jadaone at Irene Villamor produced by Spring Films at released ng Star Cinema.

Si Piolo ay isa sa may-ari ng Spring Films na ­siyang nag-produce ng hit movies ni Eugene Domingo na Kimmy Dora series. Isa rin sa mga kasosyo ng Spring Films ay ang director na si Joyce Bernal na dumating sa presscon ng pelikula. Makakatulong din sana ang presence ni Piolo Pascual kung siya’y dumating para suportahan ang debut movie ng kanyang kaisa-isang anak.

Inamin nina Iñigo, Sofia, at Julian at maging ang dalawang bagitong directors na sina Antoinette at Irene na may pressure sa kanila ang movie dahil pare-pareho silang bago at wala silang strong support ng mga kilalang actor.

Si Julian ay isa sa mga bagong miyembro ng Star Magic 2013. Una siyang napanood sa movie ng kanyang amang si Sen. Jinggoy Estrada na Katas ng Saudi at napasama rin siya sa hit movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang She’s Dating a Gangster.

Napanood namin ang trailer ng Relaks It’s Just Pag-ibig at strong ang rehistro ni Julian sa screen.

Kahit pinasok na si Julian ang showbiz, hindi pa rin niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral.

Samantala, si Sofia Andres naman ay pamilyar na rin sa mga televiewers dahil bukod sa maraming commercials na kanyang ginawa, nakasama rin siya sa Princess & I series nina Kathryn, Daniel, at Enrique Gil ganoon din sa She’s Dating the Gangster at kasama rin siya sa tumatakbong seryeng Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Hindi naman ikinakaila ni Inigo na may advantage at disadvantage ang pagkakaroon niya ng sikat na ama. Disadvantage dahil hindi maiiwasan ang comparison sa kanila pero mas malaki umano ang advantage dahil mas madali siyang nakilala.

Ang Relaks It’s Just Pag-ibig ay matutunghayan na sa mga sinehan nationwide simula sa November 12.

Paglayas ni Iya sa Kapamilya hindi ininda, dalawa agad ang kapalit

Sa rami ng talents ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, at maging ng ibang talents na may network contract with the Kapamilya Network, hindi sila gaanong apektado kung ang ilan sa kanilang contract talents ay lumilipat ng ibang istasyon. Sometimes, nagiging blessing pa nga ito sa iba nilang talents na siyang nabibigyan ng attention kapag ang iba sa kanila ay tumatalon sa ibang bakod.

Except sa case ni Derek Ramsay na siyang ­ininda nang husto ng Kapamilya Network, ang iba nilang talents na lumipat ng GMA at TV5 ay hindi nakaapekto sa pamunuan ng ABS-CBN. Hindi nga naman ito kabawasan sa kanilang kuwadra.

Lumipat man si Iya Villania sa GMA, dalawa naman kaagad ang naging kapalit, ang pagbabalik-Kapamilya nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Samantala, hindi na kailangan ng GMA ng isang bagong reality show para maka-discover ng mga baguhan at young talents na may potential na su­mikat balang araw. Hindi na rin nila kailangang luma­yo dahil marami ang may potential sa kuwadra ng Walang Tulugan with the Master Showman ni Kuya Germs. Ang kailangan lamang ng mga ito ay ma-develop nang husto, mabigyan ng workshop and eventually mapabilang sa iba’t ibang prorama ng Kapuso Network.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

JINGGOY ESTRADA

JUST PAG

KAPAMILYA

PIOLO PASCUAL

SPRING FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with