^

PSN Showbiz

Mas bilib sa live in... Papel lang ang kasal – Solenn

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Napaka-ambisyoso ng bagong project na na-conceptualize ni Arnel Pineda na kung saan magtutuklas ng mga bandang  pasisikatin hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Sa tulong ng Sanre Entertainment ni Mr. Rene Walter, magkakaroon ng Asian Music Camp na kung saan maghahanap sila sa buong Asia ng magaga­ling na singers, solo, grupo o banda kakanta ng sarili nilang likhang awitin na hindi pa na-record.

Sa Pilipinas muna sila unang nag-launch at susunod ay pupuntahan din daw nila ang Hongkong, Singapore at iba pang Asian countries.

Ia-announce din nila kung paano ang audition nito na i-upload lang nila ang audition video nila sa website ng Asian Music Camp.

Ang winner ay tatanggap ng 1 million dollars worth of recording contract sa kilalang international recording company.

PAK: Taliwas sa role ni Solenn Heussaff sa pelikulang T’yanak na ayaw niyang magka-baby, ready na pala siyang maging ina kung sakaling mabuntis ito.

Tatlong taon na raw silang magka-live in ng Argentinian boyfriend niya at kung sakaling mabuntis daw siya, magiging masaya raw siya.

“Twenty nine na rin naman ako. Tingin ko early thirties is good age,” pakli ng Kapuso actress.

Wala raw sa balak nila ang magpakasal, at sa ngayon ay parang hindi pa sila naniniwala sa kasal.

“Papel lang ‘yung marriage, hindi naman kaila­ngan,” deretsong pahayag ni Solenn.

Kung sakaling mapagdesisyunan na raw nilang magpakasal, tiyak na hindi raw malalaman ng publiko..

“Para sa akin hindi ako showbiz. Kung mangyayari ‘yan in the future, hindi n’yo malalaman ‘yan. Ayokong magpa-presscon,” natatawa niyang pahayag.

BOOM: Ang sabi ng mga naka-witness sa taping ng isang sitcom kamakailan lang ay parang naglalaro lang daw ng patintero ang dalawang aktres na nagkasama sa naturang taping.

Nagulat daw ang mga staff nang makitang nag-iiwasan sila dahil wala naman daw nabalitaang may hidwaan ang dalawa.

Ang sabi ng aming witness, guest si Queenly Actress sa programang kabilang si Phenomenal Actress.

Si QA daw parang cool lang na okay kung makasalubong si PA pero itong huli raw ay ayaw daw niyang magkita silang dalawa.

Kaya kapag nagkakasalubong sa location, iwas agad si PA. Ang mga staff tuloy ay hirap na hirap kung saan sila ipuwesto na hindi sila magkasalubong. Wala naman kasing eksenang magkasama silang dalawa.

Nagulat lang daw ang mga witness doon dahil meron pala silang gap na hindi naman napag-usapan.

vuukle comment

ARNEL PINEDA

ASIAN MUSIC CAMP

DAW

KUNG

LANG

MR. RENE WALTER

NAGULAT

PHENOMENAL ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with