^

PSN Showbiz

Video nang pakikipagtalik ng sikat na TV host na may mataas na posisyon sa isang TV network kumakalat na; Dennis nag-file ng Motion to Intervene para sa pagpapa

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tumanggi si Judy Ann Santos na magsalita tungkol sa napabalitang siya ang tumulong na makapiyansa ang bestfriend niyang si Direk Dante “Ga” Garcia na ipinakulong ni Harlene Bautista sa kasong estafa at ilan pang reklamo.

Hindi naman itinatanggi ni Juday na tumulong siya noon na malagpasan ni direk Ga ang mga hinarap niyang kaso, pero ngayon ay hangad din daw niyang matuto ang kaibigang direktor. Kung kinakailangang mapagdaanan niya ito, hahayaan daw niya para matuto.

Kahit si Harlene ay ganundin ang gustong mangyari, kaya ipinakulong daw niya ang direktor.

PAK: Unti-unti nang kumakalat ang sex video ng isang kilalang TV host na may mataas pang posisyon sa isang TV network.

Nakita namin mismo ang dalawang clips na kung saan mainit na nakipagtalik si TV host sa isang maganda at seksing babae.

Kilala namin ang isa, na isang starlet na dating miyembro ng isang maingay na all-girl sexy group.

Parang matagal na ang kuhang iyun, pero hindi pa rin naman kasi nagbago ang hitsura ni TV host kaya tingin namin parang bago lang ito.

Maingat ang may hawak ng video na iyun at hindi talaga niya pinakopya dahil natakot itong makasuhan sa Anti-Voyeurism Law.

BOOM: Kinontra ni Dennis Padilla ang pagpa-change of name ni Julia Barretto na kung saan hindi na nito dadalhin ang apelyidong Baldivia ni Dennis.

Nag-file daw si Dennis ng Motion to Intervene, pero hindi pa namin alam kung ano ang napagdesisyunan ng korte rito.

Hindi pa rin nagbigay ng sagot ang kampo ni Julia.

Kamakailan lang ay nag-post si Julia sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Dennis nung maliit pa siya at may caption na “I miss my Dad”,

 Abangan sa Startalk ang pagsasalita ni Dennis ng saloobin niya sa isyung ito.

vuukle comment

ABANGAN

ANTI-VOYEURISM LAW

BALDIVIA

DENNIS PADILLA

DIREK

HARLENE BAUTISTA

JUDY ANN SANTOS

JULIA

JULIA BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with