^

PSN Showbiz

Gladys tiklop sa galit ng asawa; Rhian hanggang pagiging gym buddy lang ang relasyon kay Marc

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Ayon kay Rhian Ramos, gym buddy lang daw sila ni Marc Nelson na kasalukuyang nali-link sa kanya.

Sabi ng Kapuso aktres sa presscon ng bagong drama series niyang My Destiny: “We’re workout buddies. We see several times in a week. After that, we eat.

“I guess it might look like we’re dating because we’re going to restaurant together constantly, because we’re on the same diet.”

Hindi nga raw nanliligaw si Marc sa kanya, kaya wala raw talagang namamagitan sa kanilang dalawa bukod sa magkasama lang silang nagdyi-gym.

Mas okay naman daw na single lang muna ngayon kasi sunud-sunod naman ang ta­ping niya sa My Destiny na magsisimula na sa GMA Tele­babad sa Lunes.

PAK : Sa kadaldalan ni Gladys Reyes, nai-enjoy daw niya talaga ang mag-host ng isang talk show.

Kaya bukod sa Basta Everyday Happy, nai-enjoy niya ang programa niyang Moments sa Net 25 na napapanood tuwing Sabado ng 7:00 pm at meron pang replay ng Linggo ng 2:00 pm.

Ibang-iba naman daw ang Moments dahil dito ay sit down interview sa mga special guest niya na ngayong nasa 25th season na, tumatalakay na raw sila ngayon sa pamilya.

Aminado si Gladys na talagang madaldal siya, pero pagdating pala sa asawa niyang si Christopher Roxas ay tameme siya.

Alam daw niya kapag galit na si Christopher, kaya isang salita lang nito, quite na raw siya at hindi na siya humihirit dahil takot na ito kapag galit na ang asawa.

BOOM: Naalala ng ibang press na dumalo sa press launch ng Ms. Manila 2014 na sinabi ng Manila Mayor Joseph Estrada na kung siya raw ang judge, ang candidate no. 25 na si Krischelle Halili ang bet niya.

Tama nga, itong morenang graduate ng BSHRM ng UST ang hinirang na Ms. Manila 2014 sa ginanap na coronation night sa PICC nung nakaraang Martes.

Sabi ni Mayor Erap, kahit may pinagdaanan ang buong pamilya, “the show must go on” daw.

Sabi pa niya; “Dapat nga wala ako rito dahil andun ako kay Jinggoy pero ‘di ko puwede iwanan ito.”

Kaya hindi lang doon sa coronation dumalo ang dating pangulo at alkalde ngayon ng Maynila kundi pati pala sa after party ay pinuntahan din niya na ginanap sa Solaire na kung saan nakipagtsikahan siya roon sa mga winner.

 

vuukle comment

BASTA EVERYDAY HAPPY

CHRISTOPHER ROXAS

GLADYS REYES

KAYA

KRISCHELLE HALILI

MS. MANILA

MY DESTINY

NIYA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with