^

PSN Showbiz

Kris bumait kay Herbert

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Napakasuwerte ni Bimby Yap sa tuluyang pagkakasundo ng kanyang mga magulang na sina Kris Aquino at James Yap, salamat na lamang sa kung sinuman ang nakapagbigay ng malaking impluwensya rito. Sinasabi ng lahat na si Quezon City Mayor Herbert Bautista raw, na naging dahilan ng pagiging mapagbigay at mabait ni Kris kay James at maging sa girlfriend nito. Malaya nang nakakapiling ni James ang kanyang anak anumang araw o oras na gustuhin niya dahil ipinasya ni Kris na magiging mahalagang bahagi ng buhay ng kanyang bunso ang ama nito, kahit magkahiwalay at annulled na ang marriage nila.

Ngayon nga naman normal na ang buhay ng bata.

 

Sandara walang yabang sa katawan

Nakakatuwang ang daming pumunta sa taping ng Gandang Gabi Vice para lang makita si Sandara Park, na miyembro na ng 2NE1, isang napaka-popular na K-Pop group na kasalukuyang nasa bansa dahil sa kanilang concert. It was the first na makakita ng ganun karaming tao sa loob ng studio. Dati ay may elbow room pa, pero nung Linggo ay talagang hindi mahulugang karayom ang studio. Humingi pa ng paumanhin si Vice Ganda dahil hindi pa raw nangalahati ‘yung bilang ng mga tao sa loob sa mga hindi nakapasok.

Meron namang dahilan para dumugin ng mga Pinoy ang Korean pop star na bagaman kabilang sa isang grupo ay parang siya lamang ang palaging nagpu-promote ng kanilang concert.

For the longest time ay naging paboritong bisita ng bansa ang Koreana na nanalo sa isang malawakang pa-contest ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest na kung saan ay nakasama niya at naging friends sina Joseph Bitangcol, Joross Gamboa, Melissa Ricks, Rafael Martinez, at marami pang iba. Isang malaking hit nga ang naging reunion nila sa GGV na muling nagbigay ng malaki at magandang impresyon sa mga Pinoy na hindi pa rin nagbabago ngayon ang nagpasikat na Koreana na minsan ay naging bahagi ng local showbiz natin na mahiyain pa rin, humble at walang mababakas ni munti mang yabang sa kabila ng kanyang kasikatan.

 

Bela nadulas sa ginawa ni Aljur kay Kylie

Mismong si Bela Padilla ang nagkumpirma na wala na sina Aljur Abrenica at ang pinsan niyang si Kylie Padilla. Nakauwi na raw ng bansa ang kamag-anak niya’t ka-Kapusong aktres, pero wala pang nababalitaan na nagkita na ito at nakausap na si Aljur na habang wala siya ay na-link kay Louise delos Reyes. Hindi naman gustong ipangalandakan ni Bela ang isyu kina Kylie at Aljur. Nadulas lamang siya kaya ito nasabi, pero maging siya ay makikipag-break din daw kay Aljur kapag nangyari sa kanila ang nangyari rito at sa pinsan niya.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BELA PADILLA

BIMBY YAP

GANDANG GABI VICE

JAMES YAP

JOROSS GAMBOA

JOSEPH BITANGCOL

KOREANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with