^

PSN Showbiz

Vhong naghayin ng counter-affidavit sa pangatlong rape case

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasinungalingan ni TV Host Vhong Navarro ang panibagong kasong panggagahasa laban sa kanya na isinampa ng dating nakatrabaho sa isang teleserye.

Nagpasa ng counter-affidavit si Vhong kahapon sa Quezon City Prosecutor's Office kung saan niya pinabulaanan ang paratang sa kanya ng isang "double" sa show na "I Love Betty La Fea" ng ABS-CBN.

"I categorically deny that I raped the complainant 'sometime in early 2009,' supposedly inside my SUV 'with lots of other people around outside'," nakasaad sa sinumpaang salaysay ng artista.

Kaugnay na balita: Vhong naging emosyonal sa desisyon ng DOJ

"I did not ask my driver to tell complainant to go inside my car. I did not do the things she accuses me of doing to her inside the vehicle. I did not rape her," dagdag niya.

Inamin ni Vhong na naaalala niya ang umano'y biktima ng panggagahasa na ka-double ni Bea Alonzo.

Duda rin ang kampo ni Vhong sa mga pahayag ng 26-anyos na umano'y biktima.

Kaugnay na balita: Pang-apat na rape case inaasahan ng kampo ni Vhong

"When the supposedly 'painful and humiliating experience' happened raises doubts about the credibility and truthfulness of her claims."

Sinabi ng complainant na ginahasa raw siya ni Vhong sa loob ng sasakyan ng artista habang nasa taping ng naturang palabas.

Nangyari umano ang insidente noong 2009 ngunit piniling manahimik na lamang dahil sa kahihiyan.

Kaugnay na balita: Ikatlong rape complaint isinampa vs. Vhong

"It is only now that I am coming out to tell my story because I was inspired by the courage of other women who are coming out now to seek justice and to tell the truth about Vhong."

Una nang nagreklamo ang modelong si Deniece Cornejo ng kaparehong kaso noong Enero ngunit ibinasura ito ng Department of Justice kahapon dahil sa kawalan ng probable cause.

Isa namang dating beauty pageant contestant ang nagsampa rin ng kasong rape kay Vhong na ngayon ay nakabinbin pa.

Samantala, naging emosyonal si Vhong kahapon sa noontime show na "It's Showtime" matapos ilabas ng DOJ ang kanilang desisyon.

Nagpapasalamat ang TV host sa lahat ng sumoporta sa kanya lalo na sa kanyang girlfriend na hindi siya iniwan sa kabila ng nagawang pagkakamali.

vuukle comment

BEA ALONZO

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DUDA

HOST VHONG NAVARRO

I LOVE BETTY LA FEA

KAUGNAY

QUEZON CITY PROSECUTOR

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with