Sulat ni FPJ nagkalat pa rin sa bahay ni Loren
Ang ganda-ganda ng ancestral home ni Sen. Loren Legarda sa Malabon City na pinuntahan namin kahapon.
Perfect host si Mama Loren dahil tiniyak niya na busog na busog at komportable ang mga bisita niya.
Ang sarap ng mga lutong bahay na inihanda ni Mama Loren, ang kare-kare, adobo, at, siyempre, ang favorite ko na gulay na lumpia.
Ginataang bilo-bilo at sapin-sapin naman ang dessert na kinain namin.
Gustung-gusto ko ang taragon tea na inihanda ni Mama Loren. Take note, sariling tanim ni Mama Loren ang taragon leaves na galing sa herbal garden niya sa kanyang bahay sa Forbes Park, Makati City.
Inilibot kami ni Mama Loren sa kanyang “awards house†dahil laman nito ang mga parangal sa kanya bilang broadcast journalist at public servant.
Bilib na bilib ako sa koleksiyon ni Mama Loren ng mga litrato dahil mga sikat na world leaders ang kasama niya.
May picture siya na kasama sina Nelson Mandela, Hillary Clinton, Prince Charles, etc.
Namumukod tangi ang naka-frame na personal letter kay Mama Loren ni Fernando Poe, Jr.
Nakasaad sa sulat ni Kuya Ronnie ang pasasalamat niya kay Mama Loren dahil sa pagpayag nito na maging running mate niya noong 2004.
Ang ganda-ganda ni Mama Loren nang magkita kami kahapon. Wala siyang makeup kaya bakas na bakas ang kanyang natural beauty at flawless skin.
Walang love life si Mama Loren dahil happily single siya.
Pareho kami na single but very happy. Tinanong nga niya kung may lover ako.
As usual, umiral ang pagiging taklesa ko. Sinagot ko si Mama Loren na wala akong lover dahil 39 years old pa lang ako, nawalan na ako ng elya.
Alam n’yo ba na walang television set si Mama Loren sa loob ng kanyang bedroom?
Ang feeling ni Mama Loren, work pa rin kapag may TV set siya sa kanyang bedroom.
Kapag pumasok si Mama Loren sa kuwarto, beauty rest talaga ang inaatupag niya. Very effective nga naman kaya dapat itong i-try ng ibang mga tao na kulang o hirap sa pagtulog.
- Latest