^

PSN Showbiz

Shaina pinasasayaw na lang, wala nang ibang trabaho!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nali-link pa rin si Shaina Magdayao kay Piolo Pascual. Silang dalawa ang magka-date sa nakaraang Star Magic Ball na ginanap sa Fairmont Hotel sa Makati City at kitang-kita sa camera na magka-holding hands sila. Pero wala pang pag-amin na nagmumula sa kanilang pagiging close maliban sa magkaibigan lang daw.

May mga nagsasabi na ang extra closeness nina Piolo at Shaina ay nagsimula pa sa set ng On the Job na kamakailan lamang naipalabas sa mga sinehan. Kung patuloy pa ring mali-link ang dalawa kahit matagal ng tapos ang pelikula, then puwedeng paniwalaan na may special something na nga sila.

Speaking of Shaina, alam mo, Salve A., marami ang nanghihinayang na hindi siya gaanong nabibigyan ng chance at si Rayver Cruz na maipakita ang kanilang talent sa pagkanta sa ASAP ng ABS-CBN. Every Sunday ay parating napapanood ang dalawa sa mga dance production number at bihira silang maisama sa mga kantahan.

Request ng kanilang fans na sana’y maisama rin ang dalawa sa mga song number kasama ang ibang mainstay singers/performers ng programa.

Nung mga teenager pa pareho sina Shaina at Rayver ay naging “item” din sila.

Isabelle may sariling scent na sa Bench

Si Isabelle Daza, anak ng dating Miss Universe turned actress na si Gloria Diaz, ang pinakabagong celebrity endorser sa malaking pamilya ng Bench para sa kanilang Bench celebrity scents collection. Nakatakdang i-launch ang sariling scent ni Isabelle for Bench na gaganapin sa isang mall in Quezon City sa darating na Biyernes ng hapon (Sept. 20).

Kung gugustuhin ni Isabelle, she could be a runaway winner kung sasali siya sa Bb. Pilipinas beauty pageant at maaaring maulit ang kasaysayang naitala ng kanyang sikat na ina na naging 1969 Miss Universe pero mukhang hindi ito ang priority ng dalaga kundi ang pagmo-modelo, TV hosting, at pag-aartista tulad ng kanyang ina.

Si Isabelle ay isa sa mga female co-host ng Eat Bulaga.

vuukle comment

EAT BULAGA

EVERY SUNDAY

FAIRMONT HOTEL

GLORIA DIAZ

MAKATI CITY

MISS UNIVERSE

ON THE JOB

PIOLO PASCUAL

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with