^

PSN Showbiz

Marian ayaw patulan ang kadramahan ni Sam!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ramdam naming parang’ di type ni Marian Rivera ang balak ng FHM na may drama silang iri-relinquish ni Sam Pinto ang korona ng FHM’s Sexiest Pinay nung nakaraang taon kay Marian na siyang napili ngayong 2013.

Ang narinig namin, dadalo rin si Sam sa FHM party sa July 10 at doon gagawin ang ganung drama na parang isasalin ni Sam ang titulong Sexiest Pinay kay Marian.

Medyo naguguluhan kami dahil si Sam ang pumangalawa sa ngayong taong survey, bakit ibibigay ng number two sa number one ang korona?

Okay lang kaya ito kay Marian? Sasagutin n’ya yan mamaya sa premiere night ng My Lady Boss na gaganapin sa Cinema 10 ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Joseph Bitangcol tuluyan nang pinabayaan ang sarili, nakitang walang malay dahil sa kalasingan pero hindi pinag-usapan

PAK: Nakakalungkot isipin na hindi man lang pinag-usapan ang insidenteng nangyari nung nakaraang linggo na kung saan natagpuang walang kamalay-malay sa sobrang kalasingan itong si Joseph Bitangcol.

Nakunan ito ng Startalk at ang alam namin may interview din Ang Latest sa ina ni Joseph pero hindi na ito napag-usapan.

Pagkatapos masangkot ni Joseph sa isang vehicular accident, tinulungan naman itong makabalik sa showbiz, pero wala pa ring nangyari.

Kaya parang pinabayaan na nito ang sarili at ang naririnig namin hindi lang daw sa sobrang kalasingan nang natagpuan itong walang malay sa kanyang kotse.

Anak ni Benjie nairita sa dialogue ni Eugene Domingo

BOOM: Isa sa pinakamaingay na episode na-tape sa Celebrity Bluff nung nakaraang linggo itong labanan ng mga anak nina Alvin Patrimonio na sina Angelo at Clarisse, ang anak ni Benjie Paras na sina Andre at Kobe, at ang anak ni Monching Gutierrez na sina Janine at Jessica.

Lumabas ito nung nakaraang Sabado na kung saan wagi ang guwapitong sina Andre at Kobe.

Ang lakas ng tilian ng mga audience sa studio na naging instant fans na ng dalawang bagets.

Kuwela ang episode na iyun lalo na’t mainit pa rin ang intriga sa gitna ni Jackie Forster at sa dalawang bagets na masama ang loob sa kanya.           

Halatang ayaw na ayaw na nina Andre at Kobe na ma-associate na sila sa kanilang ina. Iniiwasan na nila itong pag-usapan at pati sa mga biro ng host na si Eugene Domingo ay halatang hindi nila type.

Na-edit out na lang sa episode na iyon ang bahaging biniro sila ni Uge na walang kamalay-malay sa isyu ng dalawang bagets sa kanilang ina.

Biniro ni Eugene ang dalawang bata na ang guguwapo nila. Sabi pa nito: “Sigurado ba kayo na anak kayo ni Benjie?”

Kaagad na sinagot ni Andre ng “It’s a fact!”

Binalingan naman ni Eugene si Kobe at hiniritan nito ng “Ay kamukha mo mommy mo!”

Nagbago ang mukha ni Kobe na halatang ’di nito type ang sinabi ng comedienne/TV host.

Na-get agad ni Uge kaya binawi niya ng birong, “Di ba Mommy mo si Jackielou Blanco?”

Hindi pa rin nagbago ang mukha ni Kobe. Halatang irita pa rin ito.

 

vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

ANG LATEST

BENJIE

BENJIE PARAS

EUGENE DOMINGO

JOSEPH BITANGCOL

KOBE

SEXIEST PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with