^

PSN Showbiz

Parang si Sen. Ramon, Sr., hindi kayang patumbahin ng sakit, Dolphy may anting-anting din?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Good news na nakapagsabi na si Mang Dolphy ng “I love you” kay Zsa Zsa Padilla.

Ang ibig sabihin, may wisyo na ang King of Comedy kaya nalalaman na niya ang mga nangyayari sa kanyang paligid.

Nakamamangha ang resistensiya ni Mang  Dolphy dahil hindi siya maigupo ng kanyang karamdaman. Malapit na akong magduda na pareho sila ni former Sen. Ramon Revilla, Sr. na nagtataglay ng anting-anting.

Dapat na talagang ipagkaloob kay Mang Dolphy ang National Artist award para ma-appreciate niya ang nasabing parangal.

Hindi pa nakakapagsalita ng malakas si Mang Dolphy at naiintindihan lamang ni Zsa Zsa at ng kanyang mga anak ang mga sinasabi niya sa pamamagitan ng lip reading.

Nakapagsalita si Mang Dolphy dahil ramdam na ramdam niya ang buhos ng pagmamahal ng mga tao na patuloy ang pagdarasal para bumuti ang kanyang kalagayan.

Raymond ‘napagkamalang’ si Justin Bieber

Si Raymond Gutierrez ang host ng Miss Tacloban City noong Lunes at pinagkaguluhan siya ng mga tao.

Ang sey ng aking source, parang si Justin Bieber na dinumog ng madlang-bayan si Raymond kaya amused na amused ito.

Si Alfred Romualdez ang alkalde ng Tacloban City at konsehal ang kanyang misis na si Cristina Gonzales.

Gulat na gulat si Cristina nang makaharap niya si Raymond dahil malaki ang ipinayat nito. Kamukhang-kamukha ni Raymond ang tatay nito na si Eddie Gutierrez.

Hindi naman siguro magtatampo si Richard sa dialogue ni Cristina na mas guwapo sa kanya ang twin brother niya.

Glydel nabonggahan sa special participation

May special participation si Glydel Mercado sa Hindi Ka Na Mag-iisa bilang nanay ni Jennylyn Mercado.

Special participation lang si Glydel sa bagong afternoon teleserye ng GMA 7 at tinanggap niya ang role dahil bongga ang kanyang karakter.

Mahusay na artista si Glydel kaya hindi siya nawawalan ng mga regular show sa TV. Pareho sila ng kanyang mister na si Tonton Gutierrez na in demand din sa mga teleserye.

Ang pagkakaiba lang nila, ayaw ni Tonton ng naglalagare sa mga TV program dahil galit siya sa stress. Hindi type ni Tonton na pinagsasabay ang mga trabaho dahil para sa kanya, resulta ng sobrang stress ang kanser.

Direk Chito naglalagare sa horror films

Si Chito Roño ang direktor ng Shake, Rattle & Roll XIV at confident siya na matatapos niya ang pelikula bago sumapit ang deadline ng Metro Manila Film Festival 2012.

Si Chito ang direktor ng tatlong episodes ng Shake, Rattle & Roll. Hindi pa kumpleto ang cast ng filmfest entry ng Regal Entertainment, Inc. pero tiniyak ni Chito na cast members ang original stars ng pelikula tulad nina Janice de Belen at Arlene Muhlach.

Busy din si Chito sa post production ng The Healing ng Star Cinema.

Tinatapos lang ni Chito ang The Healing na malapit nang ipalabas sa mga sinehan kaya mahaharap na niya ang shooting ng Shake, Rattle & Roll XIV. Na-master na talaga ni Chito ang paggawa ng mga suspense-thriller at horror films.

                       

vuukle comment

ALFRED ROMUALDEZ

CHITO

CHITO RO

GLYDEL

JUSTIN BIEBER

MANG DOLPHY

NIYA

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with