^

PSN Showbiz

Powerhouse pinaaga na!

-

MANILA, Philippines - Samahan ang award-winning broadcast journalist na si Mel Tiangco sa bagong season at bagong timeslot ng Powerhouse tampok ang isang powerful lineup ng mga kilala sa bansa simula ngayong Martes ng gabi sa GMA News TV.

Tunghayan ang bihirang pagkakataon na masilip ang tahanan ng mga kilala at maimpluwensiyang mga tao sa lipunan kabilang na sina Vice President Jejomar Binay, Senator Miriam Defensor Santiago at Haide Mendoza.

Ngayong Martes, kilalanin ang ibang mundo ng pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa bansa na si Vice President Jejomar Binay sa kanyang pagpayag na eksklusibong masilip ng Powerhouse ang kanyang isang araw mula umaga sa kanyang pag-e-ehersisyo hanggang sa kanyang responsibilidad bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Ang Asian-Oriental home na dinisenyo ni Architect Odette Bungato ay naging saksi sa mga pagsisikap at tagumpay ng pamilya Binay sa loob ng 40 taon. Sa kanilang tahanan, ang bise presidente ay second-in-command ulit pero sa kanyang maybahay na si Elenita na kanyang binigyan ng kalayaang magdesisyon sa mga ayos ng bahay kabilang na ang mga materyales mula pa sa India at China. Ang mga mamahaling art collection ng kanilang pamilya ay nagsisilbing backdrop sa mga intimate moments ng pamilya kasama ang mga kaanak at kaibigan.

Dapat ring abangan ang ekslusibong panayam ni Mel Tiangco kay VP Binay na magbabahagi ng kanyang mga karanasan sa nakalipas ng mga taon at sasagutin rin niya pati na ang kanyang nababalitang pagtakbo bilang pangulo sa 2016.

Kilalanin si Vice President Binay kasama si Mel Tiangco sa Powerhouse sa bago nitong timeslot, tuwing Martes, 8:00 PM simula ngayong January 17, 2012 sa GMA News TV Channel 11. 

vuukle comment

ANG ASIAN-ORIENTAL

BINAY

HAIDE MENDOZA

JEJOMAR BINAY

KANYANG

MEL TIANGCO

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

NGAYONG MARTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with