^

PSN Showbiz

BINI P8M na ang TF?! fans naging wild sa kanilang concert

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
BINI P8M na ang TF?! fans naging wild sa kanilang concert
BINI
STAR/File

Wow you cannot argue with success talaga.

At ito ang tinatamasa ngayon ng all-girl pop group na BINI.

Ayon sa source, P8 million na diumano ang talent fee ng group.

Dahil walo sila, parang lumabas na P1 M na each ang bawat miyembro kung true ‘yun.

Pero siyempre may mga commission ang management group nila.

Na walang masama dahil nagbabayad nga ang mga local promoter natin ng mas mahal pa sa P8 million sa mga Korean pop artist.

Ang BINI ay binubuo nina Mikha, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Jhoanna at Sheena.

Si Direk Lauren Dyogi ang kabilang sa unang naniwala sa BINI na nilunsad nila noong papatapos na ang pandemic.

Ngayon massive ang kanilang popularity kung saan mayroon na rin silang sariling website, ang bini.global at official merchandise items.

Dahil din sa massive popularity nila hindi na nila tinapos ang performance sa Indendence Day sa Qurino Grandstand last Wednesday, June 12.

Grabe raw ang fans, talagang nagkagulo nung lumabas na ang grupo.

May nakita akong isang video na totoong yanig ang Quirino Grandstand sa fans na nag-uunahang makakuha ng magandang pwesto para maka-video sa performance nila, kaya ‘di na nila natapos ang sana ay ilan pang songs nila.

Kabilang sa hit songs ng BINI ang Na Na Na, Huwag Muna Tayong Umuwi, Lagi, Pantropiko, Salamin, Salamin mula sa kanilang extended play album na Talaarawan.

vuukle comment

BINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with