^

PSN Showbiz

Trophy ng Miss U PH, ‘di pa bayad

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Trophy ng Miss U PH, �di pa bayad
Chelsea Manalo
STAR/File

Viral kaagad ang post ng ng visual artist na si Jef Albea tungkol sa ‘di pagbabayad sa kanya ng Miss Univere Philippines organizer. Ayon nga sa visual artist, naglahong parang bula ang mga kausap niya at tumangging magbayad ng trophies na siya ang designer.

Post nito: “I DID NOT GET PAID. MISS UNIVERSE phils vanished into thin air. They refused to pay me for the trophies I designed and crafted for the coronation night. All the effort, dedication and passion I put in creating these pieces, ended up ignored and disregarded when payment was due,” umpisa ng post nito.

Aniya ay hindi na siya tatanggap ng kahit isang sentimo mula sa organi­sasyon.

Ang kailangan daw niya ay matutunan nila na ‘ARTISTS DESERVE RESPECT.’

May kumalat na sagot ang MUP at nangangatwiran na magbaba­yad naman sila at nanghihingi lang daw sila ng proper documentation.

Si Chelsea Manalo ang kinoronahang bagong Miss Universe Philippines at sasabak siya sa paparating na international pageant sa Mexico.

Ba’t ganun, lagi na lang may kasamang kontrobersya ang MUP. Pero sa totoo lang, nabawasan na ang excitement sa mga beauty pageant.

vuukle comment

MISS UNIVERE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with