^

PSN Showbiz

EDDYS, may delayed telecast sa ALLTV

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
EDDYS, may delayed telecast sa ALLTV
Joy Belmonte
STAR/File

Kaabang-abang ang The 7th EDDYS awards night ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na gaganapin sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall, Marriott Grand Ballroom ng Newport World Resorts, Pasay City.

Mapapanood naman ang delayed telecast ng idaraos na Gabi ng Parangal sa ALLTV sa darating na July 14, 10 p.m. Ito’y muling ididirek ni Eric Quizon.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts, ALLTV at Sound Check, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Camille Villar, former Ilocos Sur governor Chavit Singson at ang Echo Jam.

Tulad sa mga nakaraang taon, magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons.

Una na nga riyan ang posthumous award para sa yumaong si Carlo J. Caparas at Movie Icon Awardees naman sina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren at Gina Alajar.

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan) na tatanggapin nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at former Ilocos governor Chavit Singson. Ganundin ang Joe Quirino Award (Korina Sanchez) at Manny Pichel Award (Ronald Constantino).

Pararangalan din sa awards night ang Rising Producer of the Year, ang Mentorque Production.

Igagawad naman ang Box Office Hero award kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.

vuukle comment

EDDYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with